Kris Aquino, sinabing “worth it” ang Disneyland trip nila ng mga anak kapalit ng pagiging bedridden niya ng ilang araw!

Kris Aquino, sinabing “worth it” ang Disneyland trip nila ng mga anak kapalit ng pagiging bedridden niya ng ilang araw!

Hangga’t kaya, kakayanin! Ito ang tila’y naging mantra ni Kris Aquino nang napagdesisyunan niyang pansamantalang isantabi ang kondisyon upang maipasyal ang mga anak sa Disneyland!

Credit: @krisaquino Instagram

Sa nakalipas na mga taon, mahabang oras at matinding atensyon talaga ang iginugol ng tinaguriang “Queen of All Media” sa Pinoy showbiz na si Kris Aquino sa kanyang pagpapagaling pero gayunpaman, hindi naman siya kailanman nawalan ng panahon para sa kanyang mga anak na sina Kuya Josh at Bimby pero ‘di katulad noon, hindi na sila masyadong nakakapagbakasyon, nakakapunta, at nakakabisita sa iba’t-ibang lugar dahil sa kondisyon ni Kris pero sa kahilingan ng kanyang panganay na anak na magpunta at mamasyal sila sa Disneyland, kaagad talaga siyang nangako na tutuparin niya ito.

Tunay nga sa pangakong binitiwan ng celebrity momshie, hindi talaga niya binigo si Kuya Josh at namasyal nga sila sa Disneyland sa California!

Sa Instagram update ni Kris nito lamang Linggo, ipinasilip niya ang naganap na bonding moment nilang mag-iina sa pamamagitan ng pagbabahagi niya ng compilation sa kanilang photos at videos kung saan ay mapapanood ang pagsakay nila ng rides, picture-taking at paglilibot sa park habang magka-holding hands.

Credit: @krisaquino Instagram

“Promise fulfilled… Because i gave kuya Josh my word,” pahayag ni Kris sa kanyang caption.

Sa trip nilang ito, marami talaga ang natuwa sa improvement ni Kris dahil kahit papaano, unti-unti nang bumabalik ang lakas ng kanyang katawan. Isa na nga sa nagpahayag ng kanilang relief ay ang dating “Kris TV” sidekick niyang si Darla Sauler, Vina Morales, Jed Madela, Princess Punzalan, at marami pang iba.

Credit: @krisaquino Instagram

Pagbabahagi pa ni Kris, hindi niya alintana ang pagod na nararamdaman pagkatapos ng kanilang Disneyland trip dahil sulit umano ang kanyang sacrifices nang nakitang masaya at talagang nag-enjoy si Kuya Josh. Ibinahagi rin niyang magpapa-checkup siya soon kaya tuloy-tuloy pa rin ang kanyang magandang recovery.

“Bedridden now BUT kuya kept saying “thank you mama”… super worth it to give him this memory… my checkup is in several days, i don’t kow if my doctors will immediately start me on my immunosuppressant therapy,” pagbabahagi niya.

Credit: @krisaquino Instagram

Kinakailangan man niyang magpahinga sa loob ng ilang araw, wala namang makakatapat sa enjoyment na naramdaman ni Kris kapiling ang mga anak lalo na’t fulfilling talaga para sa kanya ang mabigyan ng panibago at magandang memory si Josh na paniguradong habangbuhay nitong pahahalagahan.

Ysha Red

error: Content is protected !!