Kris Bernal, muling binuhay ang CLOY fever sa recent na update sa IG!

Marami-rami nang celebrities ang nagpupunta sa Switzerland upang bisitahin ang mga lugar na featured sa sikat na K-drama na “Crash Landing On You” na pinagbidahan ni Son Ye-jin at Hyun Bin kung saan ay gumanap sila bilang si Yoon Se-ri at Captain Ri.
Credit: @krisbernal Instagram
Bagama’t matagal-tagal naman simula nang ito’y natapos, hindi naman maipagkakaila na nananatili ito sa puso ng karamihan lalo na ngayong maraming CLOY fans ang pilit na bumubuhay sa fever na minsan nang hinatid nito sa atin.
Bilang isang K-drama fan, pangarap talaga natin na makabisita sa mga lugar na featured sa paborito nating series ngunit hindi naman lahat sa atin ay basta-basta lamang na nakaka-afford ng ticket sa transportation o hindi kaya’y kapos sa budget. Hindi biro ngayon ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngunit tila’y nasa-satisfy naman ang ating bucket list sa tuwing nakikita ang iniidolo nating mga artista na tumutupad sa ating pangarap katulad na lamang ni Kris Bernal na nagpunta sa Switzerland upang i-relive ang kanyang obsession sa fave niyang K-drama na CLOY.
Credit: @krisbernal Instagram
Ilang taon naman ang lumipas, hindi pa rin kumukupas ang ating pagmamahal para sa “Crash Landing On You”. Dahil sa perfect na cast, magandang storyline plus iconic na scenes sa magagandang lugar sa Switzerland at Korea, talagang kahit si Kris Bernal ay hindi nakaiwas sa fever na dulot nito. Kahit ang kanyang asawa na si Perry Choi ay hindi nakailag at walang pag-aalinlangan na sinamahan ang aktres sa kagustuhan nitong pagre-reenact sa scene ni Yoon Se-ri at Captain Ri sa Iseltwald, Switzerland.
“Crash ‘LANDI’ on you.. But husband, not landi.. ,” sulat ni Kris sa kanyang caption kalakip ng mga larawang ibinahagi niya sa Instagram kung saan ay makikita ang sweet at nakakaaliw na pose nila ng asawa sa bridge.
Credit: @krisbernal Instagram
Pagkukuwento ng aktres, nang na-cancel ang kanilang trip papuntang London, kaagad umano niyang tinanong ang asawa na maaari ba silang magpunta sa Switzerland upang bisitahin ang isa sa mga lugar na featured sa CLOY.
Ayon kay Kris, “When we were deciding which country to replace London (Due to our UK Visa arriving late), I asked my husband if we could visit Switzerland instead, primarily because I wanted to visit some of CLOY’s filming locations.”
Credit: @krisbernal Instagram
Matatandaang featured sa episode 7 ng nasabing series ang bridge sa Iseltwald, Switzerland kung saan tumugtog ng piano si Captain Ri na talaga namang tumatak sa puso’t isip ng CLOY fans.