Kris Bernal, nagkaroon ng realizations matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa GMA

Kris Bernal, nagkaroon ng realizations matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa GMA

Marami man ang may gustong makaranas ng kasiyahan sa kanilang buong buhay, karamihan sa lessons na habang buhay nating babaunin ay nahahanap natin sa bawat pagsubok na dadaan sa ating buhay.

Credit: @krisbernal Instagram

Maliban sa lessons, nagkakaroon din tayo ng realizations na siyang bubukas sa ating mga mata upang malaman nating kung paano pa natin ma-iimprove ang ating sarili. Isa na nga sa mga taong nakahanap ng solace matapos makaranas ng matinding pagsubok sa buhay ay si Kris Bernal.

Kilala si Kris Bernal bilang isa sa mga sikat na aktres sa industriya ng showbiz. Simula nang nanalo sa StarStruck 4 Ultimate Love Team kasama si Mart Escudero, tuloy-tuloy na ang pagsikat ng aktres hanggang nakilala siya ng karamihan dahil sa hindi matatawaran niyang galing sa pag-arte.

Makalipas ang 13 taong pananatili bilang isa sa mga maningning na aktres sa GMA Network, bigla na lamang dumating sa punto na kinuwestiyon ni Kris ang kanyang worth bilang isang artista nang hindi ni-renew ang kanyang kontrata.

Dahil dito, hindi maiwasan ni Kris na magtaka kung ano ang posibleng mga dahilan kung bakit biglaan na lamang tinapos ng kanyang network ang kanyang contract. Isa na nga sa mga naisip niyang reason ay ang “look” niya ngayon na ikinuwento niya kay Toni Gonzaga nang nagkaroon sila ng interview.

Credit: @krisbernal Instagram

“Baka lang din hindi na ako masyadong nakakakuha ng projects because of how I look now,” saad ng aktres.

Ayon kay Kris, dati pa umano niyang naririnig galing sa mga boss niya na pumapayat na siya at palagi umano siyang ipinagkukumpara sa dati niyang katawan at mukha.

“Siguro parang… lagi lang din sinasabi sa akin ng mga people like on top… let’s say my bosses or whatever na ‘magpataba ka’ so feel ko, parang hindrance ba siya sa akin para maging artista?” emosyonal na kuwento ng aktres.

Dagdag pa ni Kris, “Kasi nga before, ako lagi akong teenybopper, sweet.”

Credit: @krisbernal Instagram

Matapos ang expiration ng kanyang contract, marami umanong napagtanto si Kris katulad na lamang kung paano niya hinahayaang kontrolin siya ng mga tao noon.

“All throughout my career, all througout my life, nagpa-kontrol ako sa ibang tao. Sobrang nakakapagod siya. Controlled nila iyong life ko so ‘pag may sinasabi sila or whatever, affected na affected ako, gagawin ko. Kung gusto nilang ganito, ay! Mag-aadjust ako,” sabi niya.

Ngayon na siya na ang may kontrol sa sariling buhay, nagsilbing inspirasyon si Kris para sa karamihan na minsan na ring nagpaka-alipin sa ibang tao. Talagang pinatunayan niya na walang ibang makakakontrol sa atin kundi ay ang ating sarili.

Sa kabila ng dagok na ito sa buhay artista ng isang Kris Bernal, nagsilbi naman itong eye-opener upang mas mahalin niya ang sarili.

Ysha Red

error: Content is protected !!