Kristel Fulgar, saludo sa mga construction worker matapos masubukang maging isang construction worker sa loob ng isang araw

Marami sa mga artista na hinahangaan natin ngayon ay gumagawa ng pangalan sa larangan ng vlogging. Isa na rito ang actress-singer na si Kristel Fulgar na sa kasalukuyan ay mayroong milyun-milyong subscribers sa YouTube.
Credit: @kristelfulgar Instagram
Maituturing si Kristel bilang isa sa mga pinakamatagumpay na vlogger ngayon dahil hindi lamang isa kundi dalawang YouTube channel ang kanyang hawak na parehong may higit sa 1 million ang subscribers.
Dahil nga sa dami ng subscribers ni Kristel ay nagkamit na siya ng dalawang Gold Play Buttons.
Credit: @kristelfulgar Instagram
Sa isa namang nakaraang panayam ni Kristel, ikwenento niyang dahil sa kanyang pagsisikap sa pagtatrabaho bilang isang artista at vlogger, natupad na niya ang kanyang pangarap na makapunta sa kanyang “dream places” at “dream countries.”
Maliban dito, itinuturing din ni Kristel na malaking achievement ang pagbili niya ng bagong sasakyan at pagpapatayo ng bagong bahay.
“Sabi ko sobrang achievement din ‘yung nakarating ako sa mga dream places ko, dream countries. Achievement din na hanggang ngayon artista pa rin ako. Nagawa ko na din ‘yung pagpapagawa ng bagong house. Bumili ako ng mga kotse. Hindi ako sobrang mataas mangarap. ‘Pag mangarap ako, gusto ko ‘yung realistic,” bahagi ni Kristel.
Aminado naman si Kristel na hindi niya maaabot ang kanyang mga pangarap sa buhay kung wala ang gabay ng Panginoon.
““Hindi ko makukuha ‘yung mga ‘yun without the help of God. Talagang blessing lahat ng binigay niya sakin. Tinitingnan ko ‘yun as blessing,” ani Kristel.
Credit: @kristelfulgar Instagram
Samantala, sa kanyang pinakabagong vlog ay ipinakita ni Kristel ang bahay na ipinapatayo niya ngayon. At bukod sa simpleng pagbisita at pag-check sa ilang development ng kanyang ipinapatayong bahay, sinubukan din ni Kristel na tumulong sa ilang gawain sa construction site.
Ilan sa mga construction work na game na sinubukan ni Kristel ay ang paghihiwalay ng buhangin, paghahalo ng semento, at maging pag-aayos ng mga electrical wiring.
Credit: @kristelfulgar Instagram
Pagkukuwento ni Kristel, matagal na niyang planong tumulong sa paggawa ng kanyang bahay. Gusto raw umano niya kasi na kahit papaano ay may naiambag siya sa pagpapatayo nito.
“Maganda kasi kapag siyempre sa bahay na ginagawa meron kang ambag. Kahit konti. Actually, matagal ko nang plano ‘to,” saad ni Kristel.
Matapos namang subukan ang ilang ginagawa ng mga construction worker, napagtanto ni Kristel kung gaano kahirap ang kanilang trabaho.
Credit: @kristelfulgar Instagram
Ayon pa kay Kristel, hanga at saludo siya sa kasipagan ng mga ito sa pagtatrabaho. Sa huli, pinasalamatan ni Kristel ang lahat ng mga construction worker na bumubuo sa kanyang bahay.