Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto, masayang winelcome ang kanilang ika-5 anak na si Vittorio Isaac

Talagang “one big family” na ang pamilya ng celebrity couple na sina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Ito ay matapos isilang ni Kristine ang ikalimang anak nila ni Oyo Boy kahapon, August 3 sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.
Credit: @osotto Instagram
Pinangalanan ng celebrity couple ang kanilang bouncing baby boy na Vittorio Isaac hango mula sa tunay na pangalan ni Oyo Boy na Vittorio Mari.
Ibinalita ni Oyo Boy ang pagdating ng kanilang ikalimang anak sa pamamagitan ng isang Instagam post ngayong araw, August 4.
Credit: @osotto Instagram
Ayon sa aktor, “perfect timing” ang pagsilang ni Kristine sa kanilang bunsong anak dahil tapos na siya sa kanyang trabaho kaya naman present siya sa panganganak nito.
Sa caption ng kanyang post ay inihayag ni Oyo Boy ang kanyang labis na pasasalamat sa Panginoon sa pagdating ng kanilang bagong anak.
“Aug. 3, 2021 11:47 p.m. Lord Jesus maraming salamat! You are faithful!❤️ Thank you for another answered prayer! Perfect timing ka talaga Lord, nakapag trabaho pa ako kaninang umaga,” saad ni Oyo Boy.
Credit: @osotto Instagram
Pinasalamatan din ni Oyo Boy ang mga nagdasal para sa ligtas na panganganak ni Kristine.
“To my family and friends, thank you for all your prayers😊 i love you ❤️ Welcome to the world Vittorio Isaac😍 i love you @khsotto 😍🥰😍,” bahagi ni Oyo Boy sa kanyang post.
Credit: @osotto Instagram
Ipinasilip naman ni Oyo Boy sa unang pagkakataon ang hitsura ng gwapo nilang bunso ni Kristine sa kanyang post.
Samantalang sa isang larawan ay makikita ang kasiyahan sa mukha nilang mag-asawa habang nasa loob ng delivery room at katabi ang kanilang bunsong anak.
Credit: @osotto Instagram
Tiyak naman na mas magiging masaya pa ang pamilya ng celebrity couple sa pagdating ni Baby Vittorio.
Siyempre, kabilang sa mga super excited sa pagdating ni Baby Vittorio ay ang tatlo pang anak na lalaki ng celebrity couple na sina Kristian Daniel “Kiel”, Kaleb Hanns, Marvic Valentin, at ang kanilang nag-iisang anak na babae na si Ondrea Bliss.
Credit: @osotto Instagram
Inanunsyo nina Kristine at Oyo Boy na inaasahan nila ang kanilang ikalimang anak noong December 2020. Noong nakaraang January naman ay masaya nilang ipinagdiwang ang ika-10 taong anibersaryo ng kanilang kasal.