Kryz Uy at Slater Young, mala-pelikula ang moments habang nasa kanilang Paris trip!

Kryz Uy at Slater Young, mala-pelikula ang moments habang nasa kanilang Paris trip!

Noong tayo’y mga bata pa, mahilig talaga tayo sa kakapanood ng fairytale na mga pelikula kaya natural lamang na mangarap tayo na magkaroon din ng ganitong klaseng buhay at isa na nga sa magagandang example nito ay ang life ng couple na si Kryz Uy at Slater Young dahil kahit maraming taon naman silang nagsasama ay tila’y walang kinikilalang expiration ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa.

Credit: @kryzzzie Instagram

Kung tatanungin tayo kung sinu-sino ang ating mga paboritong couple sa mundo ng showbiz ay tiyak na kasali sa ating listahan ang power couple na si Kryz at Slater Young dahil sa kanilang relationship na mapapasabi ka lang naman ng mga katagang “sana all” dahil sa pagiging #goals nilang dalawa. Maliban sa kilig na palagi nilang naipaparamdam sa kanilang fans, patuloy din nilang ipinapahayag sa lahat ang tunay na definition ng pagmamahalan.

Credit: @kryzzzie Instagram

Of course, hindi naman naiiwasan ang conflicts at mga problema sa loob ng isang relationship pero habang sila’y tumatagal, mas lalo lamang na tumatatag ang relationship ni Kryz at Slater. Sa katunayan, para pa nga silang nasa kanilang “honeymoon phase” kung kaya’t wala talagang kakupas-kupas ang kilig na nararamdaman ng kanilang fans lalo na nang nagbakasyon sila sa Paris, France kumakailan lamang.

Kahit na’y abala sa kanilang career pati na rin ng kanilang duties bilang mga magulang sa kanilang dalawang mga chikiting na sina Scottie at Sevi, naglalaan pa rin naman ng “quality time” ang couple kaya sa kanilang kauna-unahang trip sa Paris, para silang bumalik sa mga panahong binata at dalaga pa lamang sila.

Credit: @kryzzzie Instagram

Sa latest na update ng ni Kryz sa Instagram, ibinahagi niya ang sweet at adorable na mga larawan nila ng asawa kung saan ay nasa harap sila ng Eiffel tower habang gumagawa ng romantic na mga pose.

“We just had to do it ♥️,” sulat ni Kryz sa kanyang caption. “Commemorating our first trip to the city of love together.”

Credit: @kryzzzie Instagram

Maliban sa ibinahagi nilang wholesome at heartwarming na mga larawan, nag-picnic at namasyal din ang dalawa sa streets ng Paris kaya kahit nasa labas man ng Pinas ay ramdam na ramdam pa rin ng kanilang Pinoy fans ang kilig at sweetness ng couple.

Ang Paris talaga ang isa sa mga lugar na nangunguna sa nais puntahang lugar ng halos lahat ng couple dahil sa pagkakakilanlan nito bilang “City of Love” kaya naman sa kauna-unahang trip ni Kryz at Slater, wala talaga silang pinalagpas na pagkakataon at talagang sinulit ang kanilang “romantic days” sa lugar.

Ysha Red

error: Content is protected !!