Kuwentong pag-ibig ni Mikael Daez at Megan Young, kinakiligan ng kanilang mga tagahanga!

Nag-uumapaw na kilig talaga ang nararamdaman ng karamihan sa atin kapag mayroong update sa social media ang couple na si Mikael Diaz at Megan Young lalo na’t #goals talaga ang kanilang relationship ngunit iilan nga lang ba sa atin ang tunay na nakakaalam sa kuwento ng kanilang pagmamahalan?
Credit: @mikaeldaez Instagram
Kilig at surpresa ang nangingibabaw ngayon sa fans ng mag-asawang si Megan at Mikael Diaz dahil sa wakas, detalyado na rin na ikinuwento ng couple kasama si Toni Gonzaga ang kuwento ng kanilang pag-iibigan.
Parehong kilala at sikat sa showbiz, hindi talaga kapani-paniwala na nagawa ni Megan at Mikael na gawing private ang kanilang relationship sa napakahabang panahon ngunit naging possible ito para sa kanila.
Ayon sa couple, una umano silang nagkita sa isang bar noong 2010 kung saan ay pareho silang um-attend ng isang event kung saan ay tandang-tanda pa talaga ni Megan ang exact na araw at ito ay noong September 28.
Credit: @mikaeldaez Instagram
“Ang first impression ko, giniginaw siya kaya binigyan ko siya ng jacket,” sabi ni Mikael. “That was my first impression although before that, maybe like half an hour before, I saw her coming into the club. And then I was like, ‘Oh! Medyo cute ‘yun ah'”.
At dahil may boyfriend pa ‘nung unang encounter nila ni Mikael, hindi umano nagkaroon ng interes si Megan at walang malisya na nakipag-usap sa aktor.
Nang nalaman na may “common friend” pala sila, muli silang pinagtagpo ng tadhana at sa pagkakataon na ‘yun, single na umano si Megan pero ayon sa kanya, hindi pa rin siya komportable makipag-usap sa ibang lalaki lalo na’t kakagaling lamang niya sa break-up.
Credit: @mikaeldaez Instagram
Sa mga pagkakataon na nagkakasama ang dalawa simula nang official na nagkakilala, naging comfortable umano sila kalaunan hanggang nahulog nga ang kanilang loob sa isa’t-isa.
Makalipas ang ilang buwan simula nang naging couple, na-realize na umano ni Mikael na si Megan na ang kanyang “The One”.
Dahil sa sa pagiging lowkey nila, wala umanong nakakaalam na engaged na si Megan at Mikael sa isa’t-isa kahit ang kani-kanilang pamilya. Kahit na’y naglevel-up na sa kanilang relationship, mutual nilang napagdesisyunan na ilihim muna ito sa publiko at magkasabay lamang na inanunsyo ang lahat ng magandang balita noong 2017 at ‘nung ikinasal nila makaraan ang tatlong taon.
Credit: @mikaeldaez Instagram
“I think it worked kasi ginawa namin what we felt was right for us,” saad ni Megan.
Hindi pagiging private ang sikreto sa katatagan ng relationship ni Mikael at Megan sa loob ng napakaraming taon kundi ay ang araw-araw nilang pagpili sa isa’t-isa.