Kuya Kim, sobrang hunk pala noong kabataan days niya!

Kuya Kim, sobrang hunk pala noong kabataan days niya!

Marahil ay marami sa atin ang nag-aakalang kaya lamang dedicated sa pag-eehersisyo si Kim Atienza o kung tawagin ng karamihan bilang si Kuya Kim ay upang mapangalagaan ang kanyang kalusugan pero lingid sa kaalaman ng karamihan, dati na pala siyang “fitness enthusiast” at masasaksihan naman ito sa ibinahagi niyang epic na larawan noong dekada 90’s.

Credit:Β @kuyakim_atienza Instagram

Bago natin makilala si Kuya Kim bilang isang mahusay na TV host at tagapaghatid ng mga ulat tungkol sa lagay ng panahon na palaging may pabaon na mga trivia sa lahat ng mga manonood, minsan na pala siyang “oppa” na tila’y habulin ng mga kababaihan noong kanyang kabataan days dahil maliban sa kanyang angking katalinuhan, sobrang hunk din pala niya noon!

Sa larawang ibinahagi niya sa Instagram at sa kanyang Facebook page nito lamang Huwebes, makikita ang larawan nila ng kanyang pamilya noong nagbakasyon umano sila sa Boracay noong 1990 kung saan ay nabanggit niyang 52 taong gulang pa lamang umano ang kanyang ama na si Lito Atienza nang kinuha ang litratong ito kaya ngayong 56 taong gulang na siya, hindi talaga niya naiwasang mawindang sa napakabilis na paglipas ng panahon.

“#throwbackthursday Boracay 1990. My dad was 52 here. I am 56 now. Dang, how time flies! Mas matanda na ako sa tatay ko,” sulat niya sa kanyang caption.

Sa throwback pic na ito, kaagad talagang napansin ng netizens ang physique ng binatang si Kuya Kim lalong-lalo na ang kanyang well-toned na abs. Dahil dito, nagkaroon talaga ng sari-saring komento ang karamihan. Iilan lamang sa mga ito ay:

Credit:Β @kuyakim_atienza Instagram

“Macho gwapito ka pala kuya kim atienza😍”

“Artistahin ka talaga kuya kim. Pang beach body.”

“Saiyo po pinaglihi si Gong Yoo Kuya Kim Atienza πŸ˜‚πŸ˜˜”

“Kuya Kim ang macho macho nyo po noon. Kaw pala ang original Masculados πŸ˜ƒπŸ₯°πŸ˜πŸ˜πŸ˜”

Credit:Β @kuyakim_atienza Instagram

Kahit na’y abala si Kuya Kim sa kanyang career sa showbiz ay pinaglalaanan pa rin niya ng panahon ang pagkakaroon ng active na lifestyle dahil maliban sa triathlon ay nagwe-weightlift at nag-eehersisyo rin siya.

Kahit na’y medyo may katandaan na ngayon, kahanga-hanga pa rin ang pagkakaroon ni Kuya Kim ng magandang pangangatawan kaya tunay nga na isa siyang “oppa” ng Pinas!

Ysha Red

error: Content is protected !!