Kwentong pag-ibig ni Heart Evangelista at Chiz Escudero, kinakiligan ng netizens!

Kwentong pag-ibig ni Heart Evangelista at Chiz Escudero, kinakiligan ng netizens!

Sa napakaraming kwentong pag-ibig sa mundo, may uniqueness ang bawat istorya dahilan kung bakit masasabing talagang extraordinary kapag naisulat na ang kwento sa pagmamahalan ng dalawang tao na itinadhana.

Credit: @iamhearte Instagram

Sino nga ba ang tinatamad kapag kwentong pag-ibig na ang pag-uusapan? Bago, kakaiba, at nakakakilig ang bawat isa sa mga ito kaya naman talagang walang space para makaramdam ng boredom ang karamihan sa atin at kumakailan lamang nang muli na namang nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kilig ang netizens dahil sa kuwentong hatid ni Heart Evangelista tungkol sa pagmamahalan nila ni Chiz Escudero bago sila naging mag-asawa.

Dahil sa tanong ng isang netizen kung bakit si Chiz umano ang pinili ng aktres, minabuti ni Heart na sagutin ito sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw kung paano nahulog ang kanyang loob sa kasalukuyang gobernador ng Sorsogon.

Ayon kay Heart, una umano niyang nakita si Chiz sa isang restaurant at nang inimbitahan upang maging host sa isang pageant sa La Union, doon umano sila “official” na nagkakilala ng politiko.

Credit: @iamhearte Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan ang mayaman na lovelife ni Heart noong dalaga pa lamang ito ngunit kumpara sa kanyang nagdaang relationships, marami umano siyang nahanap na magagandang qualities sa personalidad ni Chiz na hindi niya nahanap sa kanyang ex-boyfriends.

Nang pormal na ipinakilala, mas nakilala pa umano nila ang isa’t-isa hanggang sa nahulog ng tuluyan ang loob ni Heart kay Chiz.

“I got to know him and he was more than what I imagined him to be,” saad ng aktres.

Dagdag pa niya, “I just thought he had this sort of gravitas. He was so dignified, so calm, and he was like an encyclopedia!”

Credit: @iamhearte Instagram

Of course, dumaan din sa matitinding pagsubok ang relasyon ni Heart at Chiz lalo na’t pakiramdam din ng aktres na “curse” siya sa buhay ng taong malalapit sa kanya kaya dumating din sa point na nakipag-break siya kay Chiz.

“Although nagkagulo na ang lahat, my parents went out in this beautiful presscon that they had… my goodness, I broke up with him. Sabi ko, ‘Cool down na muna tayo kasi I’m a curse to everybody I’m with,'” kuwento ni Heart.

Sa kabila ng lahat ng kaguluhang nangyayari, pinili umano siyang ipinaglaban ni Chiz.

“Surprisingly, he did something that I wouldn’t imagine, especially it was election time. Yeah, he fought for me. It was the first time anyone did that for me,” ayon kay Heart.

Marami man ang nagduda sa pagmamahalan ni Heart at Chiz noon, wala namang makakakuwestiyon sa tunay nilang pag-iibigan dahil sa pagiging puro at genuine nito.

Ysha Red

error: Content is protected !!