Kylie Padilla, hinangaan ng netizens dahil sa kanyang angking ganda na litaw na simula pa noong bata pa siya

Ang sabi ng karamihan ay talagang kukupas ang kagandahan ng isang babae kapag ito’y nagkapamilya na at mayroon ng mga anak ngunit mukhang isa ang aktres na si Kylie Padilla sa mga lubos na pinagpalang hindi tumatanda ang itsura at mas lalong gumaganda habang nadadagdagan ang edad.
Credit: @kylienicolepadilla Instagram
Mula pa man noon ay talagang natural ng maganda si Kylie. Isa siya sa mga artistang hinahangaan ng mga netizens at ng mga taong sumusubaybay sa showbiz world dahil sa angkin niyang kagandahan na talaga namang namana niya mula sa amang si Robin Padilla at ina na si Liezl Siangco.
Taong 2017 nang madaliang lumiban ang aktres sa kalagitnaan ng teleseryeng Encantadia pati na rin sa showbiz dahil sa pagbubuntis niya sa unang anak nila ni Aljur Abrenica.
Credit: @kylienicolepadilla Instagram
Ilang buwan pa lamang ang nakakalipas ngayong taon nang ipinanganak ni Kylie ang pangalawang anak nila ni Aljur na si Axl Romeo. Kahit na dalawa na ang anak ni Kylie ay hindi pa rin kumupas ang natural na ganda ng aktres.
Sa ibinahaging lumang larawan ni Kylie sa kanyang Instagram ay mas lalong naantig ang netizens sa angking ganda ng aktres noong kabataan niya hanggang ngayon.
Credit: @kylienicolepadilla Instagram
Sa lumang larawan na ibinahagi ng aktres ay makikitang nakasuot siya ng isang floral hat at nakapinta sa kanyang mukha inosente niyang ngiti.
“Kung pwede lang ibalik,” saad ni Kylie sa nasabing post.
Credit: @kylienicolepadilla Instagram
Kahit sa murang edad pa lamang ay sobrang litaw na litaw ang kanyang natural na ganda dahilan para umani ang mismong post ng papuri at mga komento galing sa mga followers ng aktres. Sinabi ng mga netizen:
“Super cute and pretty❤️”
“Ganda”
Credit: @kylienicolepadilla Instagram
“Prettiest girl in the world ???”
“Cguro pgnagkaAnak k ng girl reYnamihan ganyan na ganyan kaGanda…Waiting for your miniKylie soon…????????????????????”
Credit: @kylienicolepadilla Instagram
Sa kasalukuyan ay masayang sinusulit ni Kylie ang oras kasama ang mga anak na si Alas at Axl at kamangha-manghang tinatahak ang daan niya bilang isang ganap na ina.