Kylie Padilla, panandaliang pinatigil ang interview sa isang event para asikasuhin ang umiiyak na anak

Kylie Padilla, panandaliang pinatigil ang interview sa isang event para asikasuhin ang umiiyak na anak

Wala talagang boundaries ang responsibilidad ng isang ina. Malayo man sa mga anak o kahit nasa trabaho man, talagang nangingibabaw ang damdamin ng isang ina.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

Isa si Kylie Padilla sa mga aktres ngayon sa lokal na industriya ng showbiz na nagmula sa angkan ng mga artista. Sa ilang taon niyang pananatili sa showbiz, na-achieve niya ang professionalism bilang isang aktres na kahit saan o ano man ang sitwasyon ay mananatili siyang calm at collected.

Ngayon na isa na siyang Mommy sa dalawang anak niya sa dating asawa na si Aljur Abrenica na sina Alas Joaquin at Axl Romeo, hindi pa rin nawawala ang pagiging professionalism ni Kylie. Hindi lamang natin ito matutunghayan sa paraan ng kanyang pag-arte, pakikipag-socialize sa kapwa celebrities, o sa iilang event na dinadaluhan niya dahil matutunghayan din ito kung paano niya i-handle ang mga anak kahit nasa harap o likod man ng kamera.

Miyerkules, May 18 nang dumalo sa isang launching event ng produktong collagen si Kylie sa Clark Marriott Hotel sa Pampanga kung saan ay isinama ng aktres ang kanyang panganay na si Alas Joaquin na nakaupo kasama ang audience habang nasa stage naman ang kanyang Mommy Kylie at abala sa pagsagot sa bawat tanong ng hosts na sina Ryan Bang at Jean Kiley.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na lamang umiyak ang anak ni Kylie. Kahit ano man ang pagpapatahan at pagpapakalma na ginawa ng hosts ay patuloy pa rin ito sa pag-iyak dahilan kung bakit humingi ng favor ang aktres na maaari ba na tumabi na lamang si Alas Joaquin sa kanya.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

“Is it okay? Paupuin ko muna siya sa tabi ko,” sabi ni Kylie.

Nang umupo sa kanyang tabi ang panganay na anak, tsaka lamang ito kumalma at tumigil sa pag-iyak. Maliban sa paghingi ng aktres ng paumanhin sa disturbong nagawa ng kanyang anak, humingi rin ito ng tawad sa lahat dahil hindi umano niya maayos na nabihisan si Alas Joaquin ng pormal na damit dahil hindi niya inasahang tatabi ito sa kanya sa stage.

Dahil sa nakaka-touch na moment ng mag-ina, pinaulanan ng netizens ng papuri si Kylie dahil sa pagiging kalmado nito habang nasa trabaho at nang biglang umiyak ang kanyang clingy at cute na anak.

Credit: @kylienicolepadilla Instagram

Talagang pinatunayan ni Kylie Padilla na hindi lamang siya professional sa trabaho dahil likas din siyang kalmado at graceful sa pag-aasikaso sa anak kahit nasa kalagitnaan ng work.

Ysha Red

error: Content is protected !!