Kyline Alcantra at Mavy Legaspi, ini-reveal ang tunay na estado ng kanilang relasyon sa isa’t isa

Malayo pa man ang araw ng mga puso, tila’y ramdam na ng karamihan ang romance sa tambalan ni Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa patuloy na pag-level up ng kanilang relationship.
Credit: @itskylinealcantara Instagram
Karamihan naman sa atin may mga iniidolong loveteam dahil sa kakaibang kilig na naibibigay nila sa tuwing nagsasama sa harap ng kamera. Ngunit paano na lamang kapag ang kilig na ito ay nangyayari na sa totoong buhay? Sa napakaraming love teams ngayon sa industriya ng showbiz, talagang nangingibabaw si Mavy at Kyline dahil sa nag-uumapaw nilang chemistry.
Ngunit ang inaakalang kilig na namamagitan sa kanila sa set ay pinagdududahan na ring nangyayari sa totoong buhay dahilan kung bakit marami sa kanilang fans ang nagkaroon ng speculation tungkol sa “real score” ng kanilang relationship.
Matapos ang ilang buwan na pagkalat ng rumor tungkol sa kanilang relationship, ngayon lamang ito kinumpirma ni Kyline at Mavy nang nagbahagi ng isang vlog ang aktres sa kanyang Youtube channel na pinamagatan niyang “ A DAY WITH KYLINE AND MAVY”.
Sa vlog na ito, sinagot ng “Team Dimple” ang tanong ng isang fan na “Are you in a romantic relationship, Maverick?”
Credit: @itskylinealcantara Instagram
“As of now, no pero… may special someone na,” sagot ni Mavy.
Ngunit hindi lamang dito natatapos ang nakakakilig na Q and A ng “Team Dimple” dahil may isang netizen na nagtanong ng, “Is it true that you two are in a relationship?”
Wala naman itong pagdadalawang-isip na sinagot ng aktres ng, ”It’s a yes!”
“It’s like friendship na relationship, guys. There are a lot of types of relationship and kung anong meron kami ngayon, it’s really our own,” paliwanag ni Kyline.
Credit: Kyline Alcantara YouTube
Dagdag pa niya, “The fact that he’s always there even though ilang beses ko siyang pinu-push away. He’s always there. I’m not gonna deny I took advantage of it and I just feel so guilty and sorry, and of course, sad about that like hindi ko siya ever binigyan ng chance to show himself to me kaya lagi kong sinasabi na lagi siyang nandiyan every time na nasa rock bottom ako but then, eventually, I realized… ‘Ah kaya pala palagi siyang nandiyan kasi he’s taking care of me from a distance.’”
Marami naman sa kanilang fans ang naka-appreciate sa pagiging honest ni Kyline at sa pagiging straightforward ni Mavy. Hindi man pinangalanan ang kanilang relationship, inamin naman ng dalawa na higit pa sa friendship ang kanilang connection. Proud naman sila sa katotohanang alam nilang dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon, isang bagay na talagang masasabi nilang sa kanila.
Credit: Kyline Alcantara YouTube
Talaga nga namang ibang level na kilig ang hatid ng tambalang Kyline at Mavy. Kung may pagbabago man sa kanilang tunay na estado, ‘yan ang aabangan ng kanilang mga tagasubaybay.