Lauren Young, ipinasilip ang kanyang bagong at simpleng bahay sa Subic Bay!

Lauren Young, ipinasilip ang kanyang bagong at simpleng bahay sa Subic Bay!

Isang malaking achievement para kay Lauren Young ang magkaroon ng bagong bahay. Sa labis na kasiyahan ay ipinasilip niya ito sa netizens.

Credit: Lauren Young YouTube

Kasalukuyan ngayong nasa break si Lauren sa taping ng inaabangang teleserye na “Never Say Goodbye” na inaasahang ipapalabas sa GMA Network. Habang nasa break ay ibinahagi niya sa mga netizens na lumipat na siya sa kanyang bagong bahay sa Subic Bay.

Huwebes, July 29 ngayong taon nang nagbahagi si Lauren ng vlog sa ilalim ng kanyang YouTube channel na pinamagatan niyang “New House Tour”.

Credit: Lauren Young YouTube

“I have something interesting to show you, guys today. So, I’m on a break from my taping and dahil wala na akong mauuwian sa Manila, I decided to go to my new house in Subic Bay,” masayang sabi ni Lauren sa unang bahagi ng kanyang vlog.

Credit: Lauren Young YouTube

Pagkukumpirma pa ng aktres, “Yes. I have officially moved out of Metro Manila and I decided… since kakakain ko lang ng lunch, too lazy to do the dishes, I’m gonna give you, guys… a house tour.”

Credit: Lauren Young YouTube

Sa vlog ay makikitang sobrang maaliwalas at malapad ang living room ni Lauren kung saan ay malayang nakakagalaw ang kanyang mga alagang aso.

Credit: Lauren Young YouTube

Ang kanyang dining area naman ay malapit lamang sa kanyang balcony. Maaliwalas din ang kanyang balcony na ayon sa kanya ay isa sa mga paboritong lugar niya sa bahay. Ipinasilip niya rin ang kanyang simpleng kwarto, work area, at pati na rin ang kanyang bathroom.

Credit: Lauren Young YouTube

Sa kalagitnaan ng kanyang vlog ay sinabi ni Lauren na hindi masyadong bongga ang kanyang house tour katulad ng mga house tour na kadalasang napapanood ng mga netizens sa YouTube.

Credit: Lauren Young YouTube

“By the way, this is not a glamorous house tour that you’re used to seeing on Youtube. You know, we like to keep it real here. Hindi naman tayo nagkukunwari na mayaman tayo, na social tayo, na may mood board tayo at tsaka sobrang aesthetic ng buhay natin kasi, that’s just not me,” paliwanag ni Lauren.

Credit: Lauren Young YouTube

Para sa mga netizens na sumusubaybay at nanonood ng mga vlog ni Lauren sa Youtube ay masasabi talaga na simple lamang siya. Madalas siyang nakikita sa kanyang vlogs na simple lamang ang suot at wala pang kahit anong suot na make-up.

“But I think that’s why… I don’t know. I’m just assuming that you, guys like watch my videos because it’s not glamorous. It’s just my real life and I’m very open on sharing it,” ayon kay Lauren.

Credit: Lauren Young YouTube

Sobrang simple at “real” ni Lauren dahilan para labis siyang hangaan ng mga netizens. Hindi man namumuhay “glamorously” ay nananatili namang glamorous ang puso ni Lauren.

Ysha Red

error: Content is protected !!