Liza Soberano, sinubukang magbigay ng direksyon ng katulad sa Waze app

Liza Soberano, sinubukang magbigay ng direksyon ng katulad sa Waze app

Kalakip ng pagmamahal at paghangang nararamdaman natin para sa ating mga iniidolong artista ay ang familiarity na kadalasan, kahit hindi man kita ang mukha, mare-recognize naman natin sila kaagad dahil sa kanilang boses na tila’y natural na sa ating pandinig kaya paano na lamang kung araw-araw nating naririnig ang kanilang pamilyar na boses sa isang navigation na app?

Credit: @lizasoberano Instagram

Marahil ay sa sobrang laki ng lugar at may maraming pasikot-sikot o hindi kaya’y medyo mahina talaga ang ating sense ng direction, napakalaking tulong talaga ng naimbentong navigation app katulad na lamang ng Waze dahil hindi na natin kailangang magtanong pa sa mga tao at mas maliit na ang possibility na maaari tayong maligaw sa daan. Kung noon ay parang robot ang boses na nagtuturo sa atin kung saan tayo liliko at dadaan upang makapunta sa ating destinasyon, ngayon ay marami ng offer na “voice options” ang Waze. Isa na nga sa mga ito ay iilang kilalang personalidad sa showbiz katulad na lamang ni Miss Universe 2018 na si Catriona Gray at sikat na vlogger na si Mimiyuuuh.

Credit: @lizasoberano Instagram

Dahil sa pamilyar na boses ng kilala nating personalities sa showbiz, mas nararamdaman natin na para na rin tayong nakikipag-usap sa kanila. Plus, nagiging enjoyable pa ang byahe sa kanilang company ngunit paano na lamang kung ang sikat na aktres na si Liza Soberano na ang sumabak sa Waze? Siguradong mas marami pa ang maaantig sa kanyang boses!

Sa vlog ni Robi Domingo kung saan ay kasama niya ang loveteam na si Liza Soberano at Enrique Gil o kung tawagin ng kanilang fans bilang Lizquen, may challenge ang host para sa aktres at ito ay magbigay ng sample kung ano ang magiging version niya kapag napili siya ng Waze na maging isa sa mga boses sa mismong navigation app.

Credit: @lizasoberano Instagram

Isa sa mga binanggit ni Liza ay ang mga basic na direksyon katulad na lamang ng kanan, kaliwa, at iba pa. Sa boses ng aktres, mahihimigan at mapapansin talaga ang kanyang accent dahilan kung bakit hindi napigilan ni Robi na matawa dahil sa conyo at sosyalang istilo ni Liza sa pagsasalita.

Kung noong una ay matagumpay pa na napipigilan ni Robi ang kanyang pagtawa, hindi na niya ito nakaya nang narinig ang sosyalang entry ni Liza sa “Dumating ka na sa iyong destinasyon”.

Credit: @lizasoberano Instagram

Bagama’t hindi man tuloy-tuloy ang pagbigkas ng mga salita sa wikang Filipino, aminado naman si Robi na magandang pakinggan ang boses ni Liza lalo na kapag maging “voice options” ito ng Waze dahil sa tunog friendliness nito.

Ysha Red

error: Content is protected !!