LJ Reyes, inspired sa kuwento ng kanyang guest sa vlog na isa ring single mom!

Ang maghatid ng mga nakaka-inspire na kuwento sa mundo na hahaplos sa puso ng netizens ang layunin ng bagong vlog series ni LJ Reyes na “Wonder Stories”.
Credit: @lj_reyes Instagram
Kasalukuyang nasa Amerika kasama ang mga anak na sina Aki at baby Summer, gusto ni LJ na maghatid ng inspirasyon sa netizens dahilan kung bakit niya naisip na gumawa ng vlog series na pinamagatan niyang “Wonder Stories” kung saan ay featured ang nakaka-inspire na kuwento ng mga ordinaryong tao.
“We want to empower individuals and we want to share stories that will inspire each and everyone of us, myself included. We will be sharing stories of ordinary people with extraordinary stories,” pagsasalaysay ni LJ sa layunin ng “Wonder Stories”.
Credit: @lj_reyes Instagram
Sa pinakunang episode ng “Wonder Stories,” nakapanayam niya si Farah Christie na isa ring “single mom” dahilan kung bakit hindi siya nag-atubiling imbitahin ito upang gawing guest sa vlog series.
“I am so excited because our first story, we are featuring an incredible story of a mother. So, very close to my heart,” pahayag ni LJ.
Dagdag pa ng aktres, “I virtually met her on Instagram. She messaged me one time to ask for a greeting for her daughter, Ricci who is differently-abled.”
Labis naman ang pagpapasalamat ni Farah kay LJ dahil ang vlogs umano ng aktres ang nagsilbing kasiyahan ng kanyang bunsong anak na si Ricci.
Credit: @lj_reyes Instagram
“Just to give a brief ano… background. There are things na hindi niya maalala so those things na nagpapasaya sa kanya lessens ‘yung lungkot. So I’m so thankful and grateful sa’yo,” pasasalamat n Farah kay LJ.
Mahirap para kay Farah bilang isang ina ang kondisyon ng anak pero hindi niya kailanman sinukuan si Ricci at todo suporta pa nga ito sa lahat ng ginagawa ng anak.
Credit: @lj_reyes Instagram
Pagkukuwento pa ni Farah, madalas umano na ipinagkukumpara ng mga kakilala ang kanyang panganay at si Ricci na hindi niya nagugustuhan dahil para sa kanya, pareho niyang mahal ang mga anak.
Mag-isa man sa pag-aalaga at pagpapalaki sa mga anak, hindi naman umano nagkulang ang mga anak ni Farah sa pagmamahal.
Sa nakaka-inspire na kuwento ni Farah, talagang hinaplos nito ang puso ni LJ.
Credit: @lj_reyes Instagram
“You’re very creative. Iyong pagmamahal mo sa kids mo, it’s very fair. And I see how strong of a woman and a mother you are,” papuri ni LJ.
Ayon sa aktres, mula pa noong nagkausap sila ni Farah sa Instagram, nakaramdam na umano siya na talagang ipinagtagpo ang kanilang landas upang magbigay inspirasyon sa isa’t-isa.