Lorin Gutierrez, ipinakita ang kanyang simple at cozy na white-themed bedroom

Lorin Gutierrez, ipinakita ang kanyang simple at cozy na white-themed bedroom

Sa wakas ay ipinasilip na ni Lorin Gutierrez ang kanyang kwarto!

Credit: Lorin Gutierrez YouTube

Hindi man pumasok sa showbiz upang mag-artista ay kilala pa rin si Lorin Gabriella ng karamihan sa kadahilanang anak siya ng sikat na aktres na si Ruffa Gutierrez. Namana man kagandahan ni Ruffa ay hindi naman talaga maitatanggi na sobrang ganda rin ni Lorin.

Credit: Lorin Gutierrez YouTube

Kamakailan ay tinupad na ni Lorin ang matagal na hiling ng kanyang mga fans na magkaroon ng room tour. Sa vlog na kanyang ibinahagi sa YouTube ay ipinakita niya sa netizens ang mga pagbabago sa loob ng kanyang bagong kwarto.

Ayon sa 17 taong gulang na si Lorin ay marami umanong pagbabago sa kanyang kwarto kaya ganoon na lamang ang kuryosidad na naramdaman ng netizens.

Credit: Lorin Gutierrez YouTube

“My last room tour was when I was 15. I think it was 2019 and I moved houses since then, a lot has changed in my room so I’m gonna now show you everything that’s changed in my new room,” panimula ni Lorin bago ipasilip ang loob ng kanyang kwarto.

Pagkapasok pa lamang sa kwarto ni Lorin ay sasalubong ang kanyang shoe shelf na puno ng branded sneakers at cute na stickers ng kanyang mga paboritong rapper. Bukod sa pagkahilig niya sa sapatos ay makikita rin na mahilig si Lorin na magbasa ng libro kaya punong-puno ang kanyang bookshelf.

Credit: Lorin Gutierrez YouTube

Ibinunyag din ni Lorin na halos lahat ng kanyang gamit ay binili niya sa Shopee na siyang ikinagulat ng mga manonood. Marami ang halos hindi makapaniwala sa katotohanang iyon lalo na’t anak siya ni Ruffa at nanggaling siya sa mayamang pamilya.

Nabanggit din ni Lorin na ngayon lamang siya nagkaroon ng telebisyon sa loob ng kanyang kwarto kaya sobrang saya niya.

“First time in my life, I’ve had a TV in my room and it is life-changing,” sabi ni Lorin.

Ayon kay Lorin ay may furnitures pa rin galing sa dati niyang kwarto na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin niya.

Credit: Lorin Gutierrez YouTube

“A lot of like my stuff in my room is the same from my first room tour because furnitures are just like really expensive.”

Ipinakita niya rin ang kanyang photo album at iilang gamit sa kanyang kwarto na binili niya umano sa Shopee at Amazon.

Credit: Lorin Gutierrez YouTube

“Again, my room is not professionally decorated or anything. I pretty much did this all myself.”

Marami naman ang hindi napigiling humanga sa thriftiness at pagka-humble ni Lorin sa kabila ng katotohanang mayaman sila. Mas pinili pa niyang bumili ng iilang gamit sa Shopee kung saan lahat ng gamit ay mabibili lamang sa napakamurang halaga.

Credit: Lorin Gutierrez YouTube

Hindi nga naman talaga nababase sa mga mamahaling furniture ang kagandahan ng isang room, kung hindi ay ang pagiging komportable mo sa iyang own space. At ito ang pinatunayan ni Lorin Gutierrez.

Ysha Red

error: Content is protected !!