Lotlot de Leon, nagpost ng letrato nila Vico Sotto at Janine Gutierrez noong bata pa sila

May mga pagkakataon na talagang hinihiling natin na sana manatili sa habang-buhay pero nakatadhanang magbago ang lahat kaya tanging sa mga larawan na lamang tayo nakakapagbalik-tanaw.
Bago makilala bilang isang aktres si Lotlot de Leon, isa siyang mapagmahal na ina sa mga anak at tulad ng iba, minsan na rin siyang nakaramdam ng takot pero kaagad naman itong napawi nang nasaksihan kung paano lumaki bilang mabubuting tao ang lahat ng mga anak, lalo na ang matagumpay na buhay ng kanyang panganay na si Janine Gutierrez.
Credit: @ms.lotlotdeleon Instagram
Isa ngayon sa mga tinaguriang mahuhusay na aktres, hindi kailanman binigo ni Janine Gutierrez ang kanyang fans. Sa patuloy niyang pagpapamalas ng talento, nagawa niyang mas mapaunlad pa ang kanyang career sa showbiz.
Ngayon na dalaga na ang panganay, hindi mapigilan ni Lotlot na magbalik-tanaw sa panahon ng kabataan ni Janine.
Ibinahagi ni Lotlot sa kanyang Instagram account ang mga larawan ni Janine kuha noong bata pa lamang ito.
Ayon kay Lotlot, mahilig na umano sa acting dati pa si Janine at madalas na nagpapamalas ng galing sa “school plays” kaya naman hindi na palaisipan para sa karamihan ang pagiging mahusay nitong aktres ngayon.
Credit: @ms.lotlotdeleon Instagram
“Kay bilis ng panahon… ang aking panganay na laging kasama dati sa school play,” proud na pahayag ni Lotlot sa kanyang caption.
Nanggaling sa pamilyang matagal nang kilala sa mundo ng showbiz, talagang namana ni Janine ang husay niya sa larangan ng pag-arte.
Parehong nanggaling sa pamilyang kilala sa showbiz, magkakakilala na noon pa sina Janine at Mayor Vico Sotto. Sa katunayan, schoolmate sila at siya pa ang “leading man” ni Janine sa binidahan niyang play.
“At ang kanyang leading man ay walang iba kundi ang napakahusay na Mayor ngayon ng pasig. ❤️ Janine and Mayor Vico,” ayon kay Lotlot.
Credit: @ms.lotlotdeleon Instagram
Marami namang netizens ang natuwa at nakaramdam ng kilig.
“Love this😍”
“They’re so cute❤️”
“Oh how cute! Bagay sila ☝️”
Credit: @janinegutierrez Instagram
“Ahahahaha kakatuwa naman po,may ganitong kaganapan pala sa kanila nung sila’y bata pa ❤️🤣🤣”
Bagama’t magkaiba man ng napiling career, araw-araw namang ipinapamalas nina Janine at Mayor Vico ang kanilang kahusayan.
“Both meant to be great in their chosen careers 💫,” sabi ni Lotlot.
Ang paghahalungkat umano ng mga dating larawan ang paraan ni Lotlot upang alalahanin ang mga masasayang nakaraan ng anak.
Credit: @janinegutierrez Instagram
“Napakasarap alalahanin at tignan! nakakaproud talaga!❤️ Hi babe! @janinegutierrez,” saad ni Lotlot.
Hindi man napipigilan ang mga pagbabagong nangyayari sa buhay, maaari naman nating balik-balikan ang mga magagandang karanasan sa mga larawang hindi kailanman mauubusan ng alaala.