Lovely Abella at Benj Manalo, may pasilip sa house blessing ng kanilang bagong bahay

Maraming netizens ang na-iinspire sa tinatamasang tagumpay ngayon ng Kapuso couple na sina Lovely Abella at Benj Manalo na nakapagpundar nang mga ari-arian dahil sa pagtitinda online.
Credit: @lovelyabella_ Instagram
Isa nga naman ang pagtitinda online sa mga nausong hanapbuhay ngayong panahon ng p@ndemya. Marami-rami nga ang nagtagumpay at yumaman dahil sa kanilang sinimulang online business. Kabilang na rito sina Lovely at Benj na nitong Enero lamang ikinasal.
Maaalalang noong nakaraang taon lamang nagsimula sa pagtitinda online sina Lovely at Benj kung saan ilan sa kanilang ibenebenta ay mga alahas, cosmetic, at mga damit.
Samantala, matapos lamang ang ilang buwang ay nagbunga kaagad ang pagtitiyaga nina Lovely at Benj sa pag-oonline selling dahil nakapagpatayo kaagad silang mag-asawa ng isang napakagandang bahay na nito lamang ika-10 ng Oktobre ay binasbasan na.
Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Lovely ng ilang larawan kuha mula sa ginanap na house blessing sa bagong tahanan nila ni Benj. Kasama nilang mag-asawa sa kanilang house blessing ang kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.
Credit: @lovelyabella_ Instagram
Sa caption ng kanyang post, ipinahayag ni Lovely ang kanyang pasasalamat sa Panginoon sa lahat ng natanggap nilang mga blessing.
Ani Lovely, “Lord, salamat sa napakagandang blessing sa aming mag asawa, nagpapatunay na kung may tiyaga may nilaga, nagpapatunay na lumaban tayo sa buhay, ginamit namin ng tama at maayos ang talentong binigay samin ni Lord.”
Pinasalamatan din ni Lovely si Benj na naging kaagapay niya sa lahat ng bagay.
Sabi pa ni Lovely, “Sa aking asawa, salamat at lagi kang nakaalalay sakin, salamat at team work tayo sa lahat ng bagay, di po namin hinahayaang ayaw ng isa dapat laging meet half way kami.. @benj makakaasa ka babe na sa lahat ng pagsubok lalo nating pagtibayan dahil marami pa tayong mararanasan.”
Credit: @lovelyabella_ Instagram
Kasunod nito ay pinasalamatan din ni Lovely ang kanilang pamilya at mga kaibigan dahil sa walang-sawang pagtitiwala ng mga ito sa kanila ni Benj.
Nag-iwan naman si Lovely ng taos-pusong mensahe para sa mga humahanga sa kanilang mag-asawa.
Aniya, “Sa lahat ng naiinspire namin, salamat at bumabangon na kayong muli, bumagsak din kami pero di kami nagpatinag sa problema, lalo niyong pgsumikapan kung nagsisimula na kayo. Wag kayong mawalan ng lakas ng loob, simulan ninyo sa tiwala kay LORD at tiwala sa inyong mga sarili. Kung di man lahat nagtitiwala sa inyo promise meron pa ring mga taong magtitiwala sa inyo.”
Credit: @lovelyabella_ Instagram
Bukod sa naipatayo nilang bahay, nakabili na rin sina Lovely at Benj ng isang sasakyan dahil pa rin sa kanilang online selling businesses.