Lovely Abella, buntis sa pinakaunang anak nila ng asawang si Benj Manalo matapos ang 3 taon nilang pagsasama!

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay naisasakatuparan ang lahat ng mga bagay na gusto nating mangyari sa ating buhay pero kabaliktaran sa pag-aakala ng iilan, hindi ibinabasura ni Lord ang ating mga panalangin dahil natitiyak lang naman ng celebrity couple na si Lovely Abella at Benj Manalo na naririnig ni Lord ang lahat dahil matapos ang tatlong taon nilang paghihintay, sa wakas ay magkakaroon na rin sila ng baby!
Credit: @lovelyabella_ Instagram
Matapos naging isang ganap na mag-asawa, priority talaga nila sa kanilang prayers ay ang magkaroon ng anak pero sa tatlong taon nilang pagsasama at pagsubok na makabuo ay ilang ulit na nabigo ang couple pero gayunpaman, hindi naman sila kailanman pinanghinaan ng loob na balang-araw, mabibiyayaan din sila ng anak at tila’y swerte naman ang hatid ng 2023 sa kanilang pamilya dahil nito lamang, ibinalita lang naman ni Lovely ang pagbubuntis niya sa unang anak nila ni Benj.
Bago ibahagi sa publiko ang magandang balita, emosyonal na ipinaalam ng aktres sa asawa ang pagbubuntis. Sa video na ipinost niya sa Instagram, masasaksihan kung paano nag-switch mula sa “sleepy mode” to “energetic mode” si Benj dahil nang nakumpirma niyang buntis ang asawa, kaagad siyang napagulong sa hinihigaang kama at napasigaw sa labis na kasiyahan.
Credit: @lovelyabella_ Instagram
Wala talagang katumbas ang kasiyahang nararamdaman ng couple ngayon dahil maliban sa katotohanang ito ang kanilang unang baby, sobrang challenging din para sa kanila ang pagbubuo ng anak dahil sa mababang “sperm count” ni Benj at dahil na rin sa pagtungtong ni Lovely sa kanyang late 30s.
View this post on Instagram
Sa kabila ng kanilang struggles, nananatili namang matatag ang pananalig ng couple kay Lord dahil kahit na’y kinailangan man nilang maghintay ng tatlong taon bago mabiyayaan ng anak, pareho naman nilang na-appreciate ang perfect na timing nito dahil ngayon, handang-handa na talaga silang magkaanak pati na rin sa pagsabak sa lahat ng responsibilities na kaakibat ng pagiging magulang.
Credit: @lovelyabella_ Instagram
Saktong-sakto naman at kakadiwang lamang din ni Lovely at Benj sa ikalawang anniversary ng kanilang kasal kaya nakakatiyak talaga silang naaayon ang lahat sa plano ni Lord.
“This is the best wedding anniversary gift samin ni Lord! Wohoooo!!! 🥺🥺🥺,” sulat ni Benj sa kanyang caption kalakip ng larawan nila ni Lovely na makikitang nakahawak ng pregnancy test.
Hindi man naging madali para sa kanilang mag-asawa ang pagkakaroon ng anak, “worth it” naman umano ang mahabang panahon nilang paghihintay.
Credit: @lovelyabella_ Instagram
At dahil noon pa man ay sobrang sabik na ang couple sa pagkakaroon ng anak, nilinaw na talaga ni Lovely ngayon pa lamang na magiging spoiled ito sa kanilang pagmamahal.