Lovely Abella, nagpalaro sa kanyang mga empleyado at namigay ng isang kotse bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan!

Blessing in disguise kung maituturing para sa dating “Wowowin” host at dancer na si Lovely Abella ang p@ndemya.
Credit: @lovelyabella_ Instagram
Matatandaang sa kasagsagan ng p@ndemya ay naisipan ni Lovely at ng kanyang mister na si Kapuso actor Benj Manalo na pasukin ang pag-oonline business.
Nahanap naman nila ang swerte sa pag-oonline selling dahil ilang buwan pa lamang mula ng itatag nila ang kanilang online business na Lovely Cosmetics ay lumago kaagad ito.
Dahil nga sa pag-oonline selling, unti-unting natupad ng celebrity couple ang kanilang mga pangarap sa buhay kung saan nakabili na sila ng isang napakagandang bahay at kotse.
Ngunit inamin ni Lovely na sipag, tiyaga at pananampalataya sa Panginoon ang naging puhunan niya para marating ang tinatamasa niyang tagumpay ngayon sa buhay.
Credit: @lovelyabella_ Instagram
Hindi naman nakalimutan ni Lovely na ibahagi ang mga natatanggap niyang biyaya sa mga taong naging kasama niya sa pagtatag ng kanilang negosyo. At sa araw nga ng kanyang 35th birthday ay nagpaulan siya ng maraming papremyo sa kanyang mga empleyado.
Talagang tuluyan nang nagbago ang buhay ni Lovely dahil kung noon isa lamang siyang dancer at co-host ni Willie Revillame sa variety show nitong “Wowowin”, sa kanyang kaarawan ay nag-ala Kuya Wil naman siya at namigay ng maraming sorpresa sa kanyang mga empleyado.
Bukod sa pera at mga regalo, nagpa-raffle ng isang kotse si Lovely kung saan isang maswerteng empleyado niya ang nakatanggap.
Sa kanyang Instagram, nagbahagi si Lovely ng isang video kung saan mapapanood siyang nag-aala Kuya Wil habang nagpapalaro ng “Pera o Bayong.”
Credit: @lovelyabella_ Instagram
Sa caption ay ibinahagi ni Lovely na kapatid ni Benj na si Ai Manalo ang maswerteng empleyadong nanalo ng nasabing kotse.
Ayon kay Lovely, masayang-masaya siya dahil napunta sa kanyang sister-in-law ang kotse. Malaki raw umano kasi ang naging papel ng kapatid ng kanyang mister sa tagumpay ng kanilang online business.
“Di ko makakalimutan ang gabing to, nag mala Kuya willie ako kagabi at talagang pag itinadhana, ibibigay talaga ni LORD!” simula ni Lovely.
Credit: @lovelyabella_ Instagram
Dagdag niya, “Pinagdasal ko na Lord bigay mo ang kotse ko sa deserving na tao. And YES!! Pinakinggan niya ako si @ai.manalo ay kapatid ng asawa ko at kapatid ko na rin. Siya ang unang hiningan namin ng tulong nung nagsisimula kami sa aming Lovely Cosmetics dahil distributorship wala kaming idea sa encoding and all!! Siya ang kauna unahang nagtiwala samin, kahit may trabaho pa siya nun At sumama na sa kompanyang tinayo namin, at isa na din siya sa owner La Marca Jewelry! Kaya super Deserve!! Congrats! We love you so much.”
Samantala, kasabay ng kaarawan ni Lovely nitong December 11 ay ang masayang Christmas party din ng kanilang kumpanya.