Lovely Abella, proud na ikinuwento ang mga pinagdaanan bago makamit ang tagumpay sa negosyo

Lovely Abella, proud na ikinuwento ang mga pinagdaanan bago makamit ang tagumpay sa negosyo

Tunay na hindi madali ang pagpapatakbo ng negosyo ngunit para kay Lovely Abella, talagang sisiw at easy lamang para sa kanya ito. Ano nga ba ang kanyang sikreto tungo sa tagumpay?

Credit:Β @lovelyabella_ Instagram

Bago nagsilbing inspirasyon para sa magpapatayo at kasalukuyang nagpapatayo ng negosyo, nagsimula rin si Lovely Abella bilang isang simple at normal na taong may pangarap na kalauna’y binigyan niya ng buhay.

Unang nakilala si Lovely bilang isa sa mga dancer ng show ni Willie Revillame hanggang nadiskubre ang kanyang talento sa larangan ng pag-arte at nagkaroon nga ng iilang opportunities na talagang nagpasikat sa kanya bilang isang artista at comedienne. Ngunit sa paglipas ng ilang taong pananatili niya sa showbusiness, sadyang nakatadhana si Lovely upang maging isang negosyante at pinatunayan nga niya ang kanyang kakayahan sa pagmama-manage ng business dahil isa lang naman siya sa mga kilalang bigating negosyante ngayon.

Hindi madali para sa isang celebrity ang sumabak sa panibagong larangan lalong-lalo na sa mundo ng pagnenegosyo na punong-puno ng risks pero walang takot na sumabak si Lovely sa tulong ng kanyang asawa na si Benj Manalo.

Credit:Β @lovelyabella_ Instagram

Noong una, nagsisimula pa lamang sa maliit na negosyo ang mag-asawa hanggang lumago ito at ngayon ay may sarili na nga siyang brand ng cosmetics, ang Lovely Cosmetics PH at coffee na Caf’eatte. Maliban dito, sumabak din ang “Bubble Gang” comedienne sa pagbebenta ng mamahaling jewelry at branded na bags online na talaga namang nag-boom sa mga mamimili!

Sa tagumpay ng mga negosyo ni Lovely, talagang labis ang pagpapasalamat niya sa Panginoon at ibinahagi sa Instagram ang kuwento ng kanilang daan patungo sa tagumpay.

“Humble beginnings nagsimula sa 1,naging 2, naging 3 hanggang sa dumami na,” pahayag ni Lovely.

Makikita sa larawang ibinahagi niya na sobrang sikip na ng kanilang warehouse dahil sa napakaraming orders at dumadami na rin ang kanilang staff.

Credit:Β @lovelyabella_ Instagram

“Ginamit namin ang unang napundar namin ng asawa ko @benj na bahay ginawang stockroom at office, pero sadyang napakabuti mo LORD. Di na naman kami kasya knowing na SOLD OUT ang mga stocks namin πŸ˜­πŸ™πŸ»kailangan na ng mas MALAKI na warehouse para mas madami ang mabibigyan namin ng WORK,” sabi ng aktres-comedienne.

At dahil lumalaki na ang kanilang negosyo, talagang abot-langit ngayon ang kasiyahang nararamdaman ni Lovely.

“Congrats team seven long table.. πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ» Laban 😍,” sabi pa niya.

Credit:Β @lovelyabella_ Instagram

Wala mang masyadong kaalaman noon sa pagpapatakbo sa negosyo lalo na’t tutok sa kanyang career bilang isang komedyante at aktres, pinatunayan naman ni Lovely na kayang-kaya niya ang pagma-manage ng negosyo, isang nakakahangang kakayahan na taglay ng isang Lovely Abella.

Ysha Red

error: Content is protected !!