Luis Manzano, naweirdohan sa isang pambihira at kakaibang drink sa sariling party nila ng asawang si Jessy Mendiola

Normal lang ba para sa isang host ng mismong party na ma-ignorante sa isang drink? Kung para sa iba’y nagagawa nilang ilihim ang kanilang pagkawindang, tila’y hindi naman nag-abala si Luis Manzano na itago ang totoo niyang nararamdaman dahil kitang-kita lang naman sa kanyang mukha kung gaano siya nawirduhan sa isang inumin na sapul sa video na ibinahagi ni Nikki Gil sa publiko.
Credit: @jessymendiola Instagram
Matatandaan kumakailan lamang na nagkaroon ng baby shower ang couple at soon-to-be parents na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano at nito lamang nakaraan, muli silang nagkaroon ng isa pang party kung saan ay maliban sa kanilang mga pamilya ay invited din ang kanilang mga malalapit na mga kaibigan sa loob ng showbiz at kabilang na nga sa mga ito ay ang kapwa nila celebrity na si Nikki Gil.
Credit: @jessymendiola Instagram
Sa video na ibinahagi ni Nikki Gil sa kanyang IG story, mapapansin na magkakatabi lamang silang magkaupo kaya nang na-serve na ang isang pambihirang drink na tila’y bago para kay Luis, kaagad na kumunot ang kanyang noo dahil sa pagkawindang na talaga namang nagpahagalpak ng tawa sa aktres.
Credit: @jessymendiola Instagram
“Pa’no kapag binaliktad ko ngayon? Nakatimpla siya, ibabalik ko dito. Imumu-mug ko tapos babalik ko naman dito,” makulit na sabi ni Luis habang mabuting pinagmamasdan ang nasabing drink.
Dahil sa pinaggagawa ng aktor, bigla na lamang na naalala ni Nikki ang kanyang mga kaibigan at kapwa niya mga celebrity na sina Anne Curtis, Shaina Magdayao, at Iya Villania kung saan ay binanggit niyang halos isang dekada na umano ang nakakalipas matapos ang huling libre ni Luis at ngayong sa wakas ay may pa-dinner na ang aktor, tsaka raw umandar ang kalokohan ni Luis.
“Uy, na-miss niyo ‘to guys, sayang minsan na nga lang magpa-dinner si Luis. Diba last libre niya 2007 pa. LOL,” sabi ni Nikki.
Credit: @nikkigil Instagram
Ayon pa sa aktres, dahil umano sa kawirduhan na ginawa ng aktor, sinayang umano nito ang kasosyalan ng dinner.
“Sayang yung kasoshalan ng event sayo hahaha,” saad ni Nikki.
Maliban kay Nikki, tila’y nawirduhan din ang asawa ni Luis na si Jessy Mendiola dahil bigla lang naman itong napalingon sa kanya at tahimik na napatanong kung ano namang kalokohan ang ginagawa ng aktor.
Credit: @nikkigil Instagram
Dahil natural na naman para kay Luis ang pagiging isang komedyante, tila’y hindi na talaga niya kinakailangan pa na mag-crack ng joke para lamang makapagbigay ng kasiyahan sa mga taong nakapaligid sa kanya dahil kahit simpleng expression lamang ay bumebenta na talaga sa netizens.