Lyca Gairanod, masayang ipinakita ang loob ng kanyang unang nabiling sasakyan na matagal na niyang pinangarap

Lyca Gairanod, masayang ipinakita ang loob ng kanyang unang nabiling sasakyan na matagal na niyang pinangarap

Kilala bilang winner ng unang season ng The Voice Kids Philippines noong taong 2013 si Lyca Gairanod. Mula noo’y dumagsa ang mga proyekto ni Lyca mula pag-awit, endorser at pag-arte.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Magmula nang nanalo sa singing competition si Lyca ay nagtuloy-tuloy ang pagsikat ng kanyang pangalan at paglago ng kanyang reputasyon sa industriya ng showbiz. Marami ang humanga sa kanya dahil sa kanyang murang edad ay nasimulan ni Lyca ang pagkamit ng kanyang mga pangarap at makatulong sa kanyang pamilya.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Sa buong karera ni Lyca sa nagdaang mga taon ay naging masipag siya sa kanyang trabaho at sa wakas ay nakamit na niya ang isa sa kanyang mga pangarap at ito ay ang makabili ng sariling sasakyan.

Ayon sa kanya ay ang pagkakaroon umano ng sariling sasakyan ay isa sa matagal na niyang pinapangarap na naging dahilan upang mas lalo lamang niyang pagbutihin sa pagtatrabaho.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

“Alam niyo kasi dati, pangarap ko lang ‘to na magkaroon talaga ng sariling sasakyan, and ngayon, winish ko talaga, pinush nang pinush na magkaroon ng sariling sasakyan,” sabi ni Lyca sa kanyang vlog.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Kumakailan lamang ay ibinahagi ni Lyca sa kanyang YouTube channel ang bagong bili na sasakyan at ipinasilip sa kanyang mga viewers ang loob nito.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Sa kalagitnaan ng kanyang vlog ay sinabi niyang ang sasakyan ay ang pangalawa niyang tahanan dahil para na raw niya itong bahay dahil minsan ay sa sasakyan siya nagpapahinga kapag pagod sa trabaho.

Ayon kay Lyca, ang nabiling sasakyan ang pinaka nagustuhan niya kaya naman kita sa kanyang mukha ang sayang nadarama at kita sa kanyang aksyon ang labis na pag-iingat niya sa kanyang bagong sasakyan.

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Ikinuwento naman ni Lyca na matagal bago siya nagkaroon ng sasakyan at pagco-commute lamang ang ginagawa noong nasa The Voice pa lamang siya.

“Seryoso iyon, nagco-commute ako. Dati talaga ‘nung nagda-The Voice ako, mahilig na talaga akong mag-commute ganyan.”

Credit: Lyca Gairanod YouTube

Hindi man naging madali ang pinagdaanan bago nanalo sa The Voice si Lyca ay ipinakita niya na ang katumbas ng pagsisipag at pagpupursige ay ang pagkamit sa mga pangarap sa buhay.

Ysha Red

error: Content is protected !!