Mag-ama ni Anne Curtis na sila Erwan Heussaff at Baby Dahlia, nagkaroon ng nakakatuwang bonding sa kusina

Mag-ama ni Anne Curtis na sila Erwan Heussaff at Baby Dahlia, nagkaroon ng nakakatuwang bonding sa kusina

Talaga namang inaabangan ng mga netizens ang bawat bonding moment ng mag-amang Erwan Heusaff at baby Dahlia Amélie. Simula nang ipinanganak ni Anne Curtis si baby Dahlia noong taong 2020 ay nakahiligan na ng celebrity couple ang magbahagi ng milestones ng anak sa kani-kanilang social media accounts.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Mula pa man noong nasilayan ng publiko ang anak ni Anne at Erwan ay napansin na ng karamihan na mas hawig ni Erwan ang kanilang anak. Bukod sa katunayang iyon ay sobrang close rin nilang mag-ama. Base sa mga posts ni Anne ay makikita kung gaano ka-close si Erwan at si baby Dahlia sa isa’t-isa.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Mapapansin na madalas na bonding moments ni Erwan at baby Dahlia ay nangyayari sa kusina ng kanilang bahay. Ito ay dahil mahilig magluto si Daddy Erwan at siya rin mismo ang naghahanda ng pagkain para sa anak. Kumakailan lamang ay maaalalang nagbahagi rin si Anne ng video sa kanyang Instagram kung saan ay makikitang masayang nag-aassist si baby Dahlia sa kanyang ama sa pagluluto na kinagiliwan ng iilang kapwa celebrities at netizens.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Nagbahagi muli ang 36 taong gulang na celebrity Mom ng mahigit isang minutong video sa Instagram kung saan ay makikitang nasa kusina silang pamilya. Makikita sa video ni Anne na matiyagang naghihintay si baby Dahlia na matapos sa pagluluto ng kanyang breakfast si Daddy Erwan.

“Mornings with Little D and Papa E 🌼,” sulat ni Anne sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Credit: @annecurtissmith Instagram

Ayon pa sa aktres ay hindi niya mapigilang kiligin habang pinagmamasdan ang kanyang sweet na mag-ama.

“So much fun watching these 2 make brekkie together. I get so kilig ❤️.”

Credit: @annecurtissmith Instagram

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Hindi rin pinalagpas ng netizens ang pagbanggit ni baby Dahlia ng salitang “avocado.” Hindi man masyadong malinaw pero maayos naman na nabigkas ng unica hija ng celebrity couple ang salita dahilan para purihin siya ni Isabelle Daza.

“Little avocado lovee😍😍💜💜,” komento ni Isabelle.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Dahil sa maikli pero sweet na video na ibinahagi ni Anne sa Instagram ay marami ang napangiti sa panonood ng simpleng bonding ni Erwan at baby Dahlia. Maski celebrities ay napasaya rin ng mag-ama!

Marami namang netizens ang kinilig nang nagkomento si Erwan sa mismong post ng asawa.

Credit: @annecurtissmith Instagram

“We need a B and C and then we are complete,” komento ni Erwan na ni-replyan lamang ni Anne ng tatlong shocked emojis.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Hindi naman maipagkakaila na sobrang effective ng pagbibigay saya at ligaya ng cute na mag-amang Erwan at baby Dahlia sa mga netizens, kung kaya’t sobra na lamang na inaabangan ng karamihan ang bawat bonding moments ng dalawa.

Ysha Red

error: Content is protected !!