Mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano, excited na sa bagong chapter ng kanilang married life

Isang magandang balita ang kinumpirma ng couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Higit isang taon ng kasal ang dalawa at labis nga ang tuwa nila sa bagong blessing na kanilang natanggap ngayong taon.
Credit: @senoritajessy Instagram
“A new chapter,” saad ni Jessy sa larawang nilabas nito sa kanyang instagram account.
Kasunod nito ang pag post ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Makikita sa video ang masasayang alaala ng kanilang pribadong kasal na naganap sa Lipa City at sinundan ng labis na pagkatuwa ng couple sa positibong resulta mula sa pregnancy test ni Jessy. Nagbahagi rin sila ng mga larawan ng kanilang baby mula sa sonogram. Ayon sa couple napagdesisyunan nila na ibahagi ang magandang balita ng ito gamit ang isang video shot na kinuhanan mula pa sa Benguet.
Credit: @senoritajessy Instagram
Matapos nito’y naglabas rin ng iba’t ibang litrato si Jessy sa kanyang instagram. Sa kanyang post kasama ang kanyang asawa.
“So excited to go on this new journey with you, Papa @luckymanzano,” ani Jessy.
Saad naman nito sa litrato ng kanyang baby mula sa ultrasound at kasama dito ang larawan na makikita ang kanyang baby bump, “Say hello to the world, out little peanut.”
Credit: @senoritajessy Instagram
Ang couple ay nakaplano sanang magpakasal sa simbahan ngayong taon, subalit sa pagdating ng kanilang munting blessing ay isasantambi muna nila ito. Sabi ni Jessy sa isang post nito sa IG
“We had planned for our church wedding this year but suddenly God gave us this wonderful blessing, proving time and again that God is the master planner.”
“For now, our planned church wedding will have to take a backseat until our bundle of joy arrives. This is, by far, the best surprise we have received in our lives. Indeed, with God all things are possible,” dagdag ni Jessy.
Credit: @senoritajessy Instagram
Lubos ang pasasalamat ng celebrity couple sa mga tagsuporta nito na andyan mula umpisa hanggang ngayon na sila’y tatahak na sa bagong yugto ng kanilang buhay mag-asawa. Iba’t ibang artista rin ang naghatid ng kanilang pagbati sa mag-asawa. Ilan sa mga ito’y sina Alex Gonzaga, Lara Quigaman, Jodi Sta Maria, Mariel Padilla at marami pang iba.