Mag-inang Pokwang at Malia O’Brian, todo-hataw sa dance performance nila sa sikat na kanta ng BTS

Mag-inang Pokwang at Malia O’Brian, todo-hataw sa dance performance nila sa sikat na kanta ng BTS

Maraming netizens ang natutuwa sa napakagandang anak ng komedyanteng si Pokwang na si Malia O’Brian dahil sa kanyang pagiging bibong bata.

Credit: @itspokwang27 Instagram

‘Tisay’ kung tawagin ni Pokwang at ng mga netizen si Malia dahil sa kanyang pagiging half-American at half-Filipino.

Isa namang talentadong bata si Malia at sa katunayan hilig niya ang magpakitang-gilas sa pagsayaw at pagkanta.

Mapapanood sa mga video na ipino-post ni Pokwang sa kanyang Instagram ang mga all-out performance ni Malia.

At kamakailan lamang kinatuwaan ng netizens ang dance performance ni Malia kasama ang kanyang Mommy Pokwang.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Todo-bigay ang mag-ina sa pag-indak sa kanta ng K-pop boy band group na BTS na “Dynamite”.
Mapapanood sa ibinahaging video ni Pokwang ang energetic na pagsayaw ni Malia.

Samantala, makikitang maging ang partner ni Pokwang at tatay ni Malia na si Lee O’Brian ay aliw na aliw sa kanilang pagsasayaw.

Ayon pa kay Pokwang, kahit pa tila nahihilo na sa kanilang ginagawang pagsayaw si Lee ay ‘queber’ lamang silang dalawa ni Malia at todo-hataw pa rin sa pagsayaw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

“Sigeeee!!!! Hala…sige indak pa more ahahahahahaha nahilo na si papang @leeobrian samin ni tisay @malia_obrian queber hahahahha” ani Pokwang sa caption ng video.

Good vibes naman ang hatid ng dance video nina Pokwang at Malia para sa maraming netizens. Komento nila:

“Ang cute cute sabay na ang daddy sa pagsasayaw sainyo momsh. Godbless po”

Credit: @itspokwang27 Instagram

“Hahahahaha ka aliw kayo mag ina”

“Galing ang magmommy galing talaga ganda na bata idol”

“Hangkyuuut like mother like daughter”

“Hello idol nakakaaliw kau tingnan”

Credit: @itspokwang27 Instagram

Samantala, bukod sa pagsayaw ay nahihilig din ngayon sina Pokwang at Malia sa video-sharing platform na TikTok.

Talagang nagkakasundo pagdating sa kanilang mga hilig sina Pokwang at Malia. Ilan lamang sa mga TikTok video nina Pokwang at Malia ay mga lip sync challenge!

Sa isang hiwalay na post ni Pokwang ay ibinahagi niya ang TikTok video ni Malia habang nagli-lip sync.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Caption pa ni Pokwang sa video, “tiktok ng tiktok ha @malia_obrian”

Matatandaang isinilang ni Pokwang ang kanyang pangatlong anak na si Malia noong January 2018.

Ysha Red

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

error: Content is protected !!