Mag-irog na sila Ellen Adarna at Derek Ramsay, “smoking hot” sa ginawang prenup shoot

Muling umani ng papuri at positibong mga komento sina Ellen Adarna at Derek Ramsay nang ibinahagi sa social media ang mga larawang kuha sa ginawa nilang prenup sho0t.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Parehong kilala bilang isa sa mga “good looking” at “s3xy” na celebrities ngayon, talagang hindi binigo ni Ellen at Derek ang netizens sa naging resulta ng kanilang photoshoot.
Martes, October 12, 2021 nang ipinasilip ni Ellen at Derek sa kani-kanilang Instagram account ang mga larawang kuha sa ginawa nilang prenup shoot kung saan ay makikita kung paano nadepina ng sexy na damit ni Ellen ang magandang hubog ng kanyang katawan at ang pag-flaunt naman ni Derek sa kanyang macho na katawan.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Ginanap ang kanilang prenup shoot sa isang lugar na may masagana at matataas na mga damo, mas nag-exude pa lalo ang awra nina Ellen at Derek. Dahil sa magandang resulta ng kanilang ginawang photoshoot, talagang pinagkaguluhan sila ng netizens at ng kanilang fans.
“My forever D 😂🥰❤️😘😍🤣,” sulat ni Ellen sa kanyang caption kalakip ng close up nilang mga larawan ng fiance.
Sa malalalim nilang titigan at pagsusuklian ng ngiti sa isa’t-isa, hindi nakatakas sa atensyon ng netizens ang romansang nagpapalibot sa kanilang dalawa.
View this post on Instagram
Sa hiwalay na post ni Derek, ipinahayag naman ng aktor sa kanyang caption ang tungkol sa kanyang kasabikan na maikasal na sa aktres.
“Can’t wait love!! ❤️❤️” pahayag ni Derek sa kanyang caption kalakip ng mga “hot” nilang larawan ni Ellen.
Dahil sa magandang kinalabasan ng mga larawan nina Ellen at Derek, hindi lamang fans nila ang kanilang napahanga dahil pati ang mga kasamahan nila sa industriya ng showbiz ay pinabilib rin ng dalawa.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
“Love all the photos! 😍❤️❤️❤️” papuri ni Coleen Garcia-Crawford.
“Whoohoo❤️,” komento ni Andi Manzano Reyes.
Bagama’t simple lamang ang ginanap na prenup shoot, sobrang “steamy” at “s3xy” namang tingnan at pagmasdan nina Ellen at Derek sa mga larawang ibinahagi dahilan kung bakit binansagan sila ni Tim Yap, isang radio host bilang “couple of the year”.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Ngayon na nagkaroon na ng prenup shoot, inaasahan na ng karamihan na papalapit na ang napiling araw ng celebrity couple para sa kanilang kasal bagama’t hanggang ngayon ay wala pa rin silang inanunsyo kung kailan ito mangyayari.
Maliban sa mga papuring natanggap nina Ellen at Derek tungkol sa kung gaano sila ka-sexy sa ginawa nilang prenup shoot, nangingibabaw naman sa bawat nilang larawan ang kanilang pagmamahalan na nagiging visible na dahil sa pagiging wagas nito.