Magbalik-tanaw sa kwentong nasa likod ng siyam na taong pagmamahalan ni Camille Prats at VJ Yambao!

Magbalik-tanaw sa kwentong nasa likod ng siyam na taong pagmamahalan ni Camille Prats at VJ Yambao!

Hindi imposible ang pagkakaroon ng ikalawang pagkakataon sa pagmamahal. Ito lamang ang isa sa mga paniniwala ng karamihan at mapapatunayan ito sa pagbabalik-tanaw sa storya ng pagmamahalan ni Camille Prats at VJ Yambao na ngayon ay siyam na taon nang nagsasama!

Credit: @camilleprats Instagram

Hindi naging madali para sa aktres-host na si Camille ang pagkawala ng kanyang unang asawa na si Anthony Linsangan matapos itong pumanaw sa sakit na nas0pharyngeal c@ncer, lalo na’t mag-isa na ang aktres sa pag-aalaga at pagpapalaki ng kanilang anak na si Nathan kaya nang nagkaroon ng ikalawang pagkakataon na magmahal ulit, kinailangan ni Camille na dumaan sa mahaba-habang proseso.

Makalipas ang anim na taon simula nang lisanin ng dating asawa ang mundo, napagdesisyunan ni Camille na buksan ulit ang puso sa pagdating ni VJ Yambao sa buhay nila ng anak na si Nathan.

Credit: @camilleprats Instagram

Sa isang interview noong taong 2014, ikinuwento ng aktres na magkaklase sila ni VJ noong elementarya ngunit nagkatagpo lamang muli matapos ang mahigit 20 na taon. Kaya nang nagkaroon ng komunikasyon, doon na umano sila unti-unting nahulog sa isa’t-isa.

“It is a process. Hindi siya biglaan. Hindi siya basta-basta na lang dinesisyunan. It was a process and it wasn’t an easy process,” kuwento ni Camille lalo na’t kinailangan niyang humingi ng blessing kay Nathan, ang anak niya sa dating asawa.

Hindi naman nagtagal ay kaagad na binigyan ni Nathan ng sagot ang kanyang Mommy at sang-ayon ito na maging pamilya si VJ na talaga namang ikinatuwa at ipinagpapasalamat ni Camille.

Credit: @camilleprats Instagram

Marami ang na-touch sa “love story” ni Camille at VJ kaya naman nang ipinagdiwang ng couple ang kanilang ika-siyam na anniversary nito lamang December 1, halos hindi makapaniwala ang aktres sa mabilis na paglipas ng panahon dahil parang kahapon lamang simula nang nahulog ang loob nila ni VJ sa isa’t-isa.

Sa celebration ng kanilang ika-9 na anibersaryo, nagkaroon ng simpleng date ang couple sa isang mamahaling restaurant kung saan ay ibinahagi nilang pareho sa Instagram ang mga larawang kuha sa kanilang date.

Credit: @camilleprats Instagram

“9 years later. Still unpretentious, always authentic and just simply being me when I’m with you. ❤️” sulat ni Camille sa kanyang caption.

Sa isa pang hiwalay na post, ibinahagi rin ni Camille ang close-up niyang mga larawan kung saan ay makikitang hawak niya ang natanggap na bouquet ng rosas galing sa asawa habang nakangiti ng todo sa harap ng kamera.

Credit: @camilleprats Instagram

Sa ikalawang pagkakataon ni Camille sa pag-ibig, muli niyang nahanap ang tunay na pagmamahal sa piling ni VJ Yambao at ngayon ay masaya sa kanilang siyam na taong pagmamahalan.

Ysha Red

error: Content is protected !!