Magkasintahang McCoy de Leon at Elisse Joson, inanunsyo sa publiko na may baby girl na sila!

Magkasintahang McCoy de Leon at Elisse Joson, inanunsyo sa publiko na may baby girl na sila!

Isa sa mga nakakagulat na pangyayari sa mundo ng showbiz ngayon ang anunsyo nina McCoy de Leon at Elisse Joson na may baby girl na sila!

Credit: @mccoydeleon Instagram

Sa wakas ay nagbunga na rin ang wagas na pagmamahalan ng parehong ex-PBB housemates na sina McCoy at Elisse. Sa pagdating ng kanilang baby girl sa kanilang buhay, buong puso na tinanggap ng magkasintahan ang kanilang responsibilidad bilang ganap na mga magulang.

Naging daan ang bahay ni Kuya sa pagmamahalan ng dalawa dahil dito nagkrus ang kanilang landas at di lumaon ay nagkahulugan ng loob. Sa kanilang pagsasama sa loob ng bahay ni Kuya, labis na ang ipinaparamdam na kilig ng McLisse sa kanilang fans.

Credit: Pinoy Big Brother YouTube

Kahit na’y nakalabas na sa bahay ni Kuya, nagpatuloy pa rin ang love story nina McCoy at Elisse. Of course, katulad na lamang ng ibang relationships, minsan na rin na sinubok ng panahon ang katatagan ng kanilang pagmamahalan. Minsan na rin silang nagkahiwalay na talagang wumasak sa puso ng kanilang mga tagasubaybay.

Credit: @elissejosonn Instagram

Bagama’t nagkahiwalay man, hanap-hanap pa rin nila ang isa’t-isa. Hindi naman nagtagal, nagkabalikan rin sina McCoy at Elisse at sa kanilang muling pagsasama, patuloy nilang pinapapatatag ang kanilang relasyon kasama na ngayon ang kanilang kauna-unahang anak na si baby Felize.

Sa katotohanang sa PBB sila nagsimula, naisipan ng couple na unang ianunsyo ang magandang balita kay sa PBB House.

Credit: @elissejosonn Instagram

“Kami po ni McCoy, meron po kaming isang napakaganda at napakabait na baby girl,” pagtapat ni Elisse kay Kuya.

Matapos ang kanilang malaking rebelasyon, inalok din ng dalawa na gawing Ninong si Kuya na walang pasubali namang tinanggap nito.

Credit: @mccoydeleon Instagram

“Kuya, pwede po ba namin kayong gawing Ninong sa anak namin?” tanong ni McCoy kay Kuya kung saan ay mahihimigan ang pagkagulat sa boses nito.

Dagdag pa ni McCoy, “Alam naming imposibleng makita ka pero gusto naming tingalain ka bilang isang Ninong, isang godparent na punong-puno ng wisdom kaya naisipan po namin na lumapit po sa inyo.”

Matapos marinig ang napakagandang balita, binati ni Kuya sina McCoy at Elisse sa pagiging ganap na mga magulang.

Credit: @elissejosonn Instagram

“Naisip po namin na dito kami nagsimula, sa bahay po ninyo. Malaki po ang utang na loob namin,” ayon kay Elisse.

May payo rin si Kuya para sa “first time parents” at ito ay, “Ang pagiging magulang ay isa sa napakahalagang responsibilidad. Ito ay magiging panghabang-buhay ninyong obligasyon. Hindi ito magiging madali pero ang kapalit nito ay mga aral at karanasan na magtuturo sa inyo kung ano ibig sabihin ng pagmamahal ng walang kapalit. Unconditional love.”

Ysha Red

error: Content is protected !!