Maja Salvador, isa palang big fan ni Angelu de Leon!

Maja Salvador, isa palang big fan ni Angelu de Leon!

Bago nakilala at sumikat bilang isang artista, ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng isang Maja Salvador?

Credit: Angelu de Leon Facebook

Katulad ng karamihan sa atin, malaking parte sa ating buhay ang pagiging isang fan kaya talagang marami ang na-shookt nang nalaman na isa palang malaki siyang tagahanga ng beteranang aktres na si Angelu de Leon! Bago ang nagsisikatang loveteam ngayon sa mundo ng showbiz, nangunguna sa pagpapakilig ang tambalan ni Angelu de Leon at Bobby Andrews.

Maliban sa kanilang chemistry, tila’y palagi rin na nakakapag-set ng trend si Miss Angelu dahil sa kanyang outfit at accessories na ayon kay Maja ay isa umano sa mga dahilan kung bakit ganoon na lamang ang paghanga niya sa iniidolong celebrity.

Sa “Bawal Judgmental” na segment ng noontime show na “Eat Bulaga,” isa si Miss Angelu sa guests sa bagong episode. Bagama’t grabe man ang pagpipigil ni Maja na ipakita ang kanyang nararamdamang kilig at excitement, hindi niya ito napagtagumpayan lalo na’t kaliwa’t kanan ang pambubuking na ginawa ng kanyang kapwa hosts na sina Ryan Agoncillo at Allan K.

“Pwede po pa-picture mamaya?” nahihiya at natatawang sabi ni Maja kay Miss Angelu.

Credit: Angelu de Leon Facebook

Inamin naman kaagad ng aktres na noon pa man, malaki na talaga ang paghanga niya para kay Miss Angelu at napanood umano niya lahat ng pelikula nila ni Bobby Andrews.

“Kasi nga lahat ng pelikula nila ni Sir Bobby Andrews pinanood ko,” pag-amin ni Maja.

“Tapos ‘di po ba? Lahat ng pelikula niyo, lahat ng kumanta ‘nun, si Miss Jaya. Alam ko ‘yan.”

Pagkukuwento pa ni Maja, nagta-tantrums umano siya kapag sinasama siya ng kanyang Mommy sa mall noon at hindi binibilhan ng shades na siyang isa sa “signature look” ni Miss Angelu.

Credit: Angelu de Leon Facebook

“Alam ‘to ng nanay ko. You cannot deny, Mother. Nagwawala ako sa mall kapag hindi niya ako bibilhan ng shades ni Ate Angelu,” ayon sa aktres.

“Lahat ng shades noon, naka-headband lang sa kanya ‘yun so mayroon akong three colors ‘nun”

Sa kabila ng kasikatang tinatamasa ngayon ni Maja bilang isang aktres, tila’y nangingibabaw pa rin ang kanyang pagiging fan kapag nakakaharap na ang kanyang iniidolong celebrity na si Miss Angelu de Leon.

Ysha Red

error: Content is protected !!