Marc Pingris, hindi ikinakahiya ang pagiging kargador bago naging isang PBA player

Marc Pingris, hindi ikinakahiya ang pagiging kargador bago naging isang PBA player

From kargador to PBA player! Super taas talaga ng naabot ni Marc Pingris sa buhay.

Credit: @jeanmarc15 Instagram

Bago napabilang sa PBA at naging isang ganap na professional na manlalaro ng basketaball, isa lamang hamak na kargador si Marc Pingris dahil sa hirap ng buhay ng kanyang pamilya, naisipan niyang magbanat ng buto sa napakamurang edad upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa buhay.

Pagkukuwento ni Marc, nagsimula umano niyang napagtanto na kinailangan niyang magtrabaho noong siya’y 10 anyos pa lamang nang nagkahiwalay ang kanyang mga magulang na sina Erlinda Prado at Jean Marc Pingris Sr.

“Back to zero ‘yung mother ko kaya sa edad kong 10, talagang batang palengke na ‘ko. Naging kargador na rin ako… mga ganoon. Nagtitinda lang ako ng ice buko dati, nagtitinda ako ng kandila, sweepstakes,” kuwento ni Marc.

Credit: @jeanmarc15 Instagram

Sa kabila ng hirap na kanyang pinagdaanan ay inamin naman niyang hindi niya ikinakahiya ang kanyang “humble beginnings” bilang isang batang laki sa Pozorrubio, Pangasinan na maagang namulat at nagbanat ng buto dahil ito umano ang isa sa kanyang mga inspirasyon na magpursige kaya ngayong sobrang layo na ng kanyang narating sa buhay ay labis ang pasasalamat niya sa kanyang Mommy Erlinda na mag-isang nagtaguyod at gumabay sa kanilang magkakapatid.

“At least ‘di ko naman kinakahiya ‘yung mga ganoon dahil ang sarap sa feeling na balikan kung saan ako galing kaya sobrang proud talaga ako sa mommy ko,” aniya.

Pagbabalik-tanaw pa ni Marc, hindi umano siya nagkaroon ng negatibong feeling sa kanyang Mommy Erlinda nang wala itong maibigay na pera sa kanya nang papunta siya sa Manila upang mag-try out at mas pinagbuti pa nga ang sarili upang mabigyan ng maginhawang buhay ang kanyang ina.

Credit: @jeanmarc15 Instagram

Sa patuloy na pagbabahagi ni Marc sa kuwento ‘nung kabataan days niya, ikinuwento niyang minsan na umano siyang kumain ng panis na kanin para lamang malampasan ang nararamdamang gutom at dahil sa mapait niyang karanasan, isa umano ito sa mga dahilan na nag-fuel sa kanyang determinasyon na ipagpatuloy ang pag-abot sa kanyang pangarap.

“Iyon talaga ‘yung nagpursige sa akin na ipagpatuloy ang pangarap ko saka lagi kong iniisip kasi ‘yung mother ko that time na balang-araw gusto ko siyang bigyan ng magandang kinabukasan,” saad ni Marc.

Tunay nga sa kanyang dedikasyon na maahon sa kahirap ang pamilya, bahay at lupa talaga ang binili niya sa kanyang unang sweldo sa PBA na labis namang ikinasaya ng kanyang ina at mga kapatid.

Credit: @jeanmarc15 Instagram

Isa lamang ang kuwento ni Marc Pingris sa “rags-to-riches” na mga storya pero hindi naman maitatanggi na sobrang laki pa rin ng impact nito para sa kapwa niya dreamers.

Ysha Red

error: Content is protected !!