Marco Alcaraz, ini-reveal ang sikreto sa masayang pagsasama nila ng kanyang misis na si Lara Quigaman

May ‘tip’ ang aktor na si Marco Alcaraz para sa mga mag-asawa na gustong magkaroon ng masayang pagsasama.
Kamakailan, nagbahagi si Marco sa kanyang Instagram account ng litrato nila ng kanyang misis na si beauty queen-actress Lara Quigaman habang masayang nagbabakasyon sa Crimson Boracay.
Credit: @marcoalcaraz Instagram
Bakas naman talaga sa kanilang mukha ang kasiyahan habang nagbabakasyon sa resort base sa kanilang litrato.
Sa caption ng nasabing post nga ay ibinunyag ni Marco ang sekreto nila ni Lara para magkaroon ng masayang pagsasama.
Ayon kay Marco, malalaman mo kung masaya ang pagsasama ng mag-asawa kung may respeto at tiwala sila sa isa’t isa, at hindi sila nag-aaway tungkol sa pera.
At para mangyari umano ito, ibinunyag ni Marco na dapat ang pera ng kanyang asawa ay sa kanyang asawa lamang, samantalang lahat ng pera niya ay sa kanyang asawa pa rin. Ito raw ang isa sa mga sikreto para magkaroon ng masayang pagsasama.
Credit: @marcoalcaraz Instagram
“Napost ko na last year to pero worth it na ipost ulit. Malalaman mo na masaya ang pagsasama nyo mag-asawa kung may respeto, tiwala at hindi pinag-aawayan ang pera. Kaya pag pera ni Mrs pera nya yun at kapag pera ni Mr pera parin ni Mrs yun tama ba ako?” saad ni Marco.
Samantala, sa huling bahagi ng kanyang post ay humingi ng iba pang tips si Marco sa mga netizen para mas maging masaya umano ang pagsasama ng isang mag-asawa.
Nitong January 1 lamang ay nag-celebrate ng kanilang 11th wedding anniversary sina Marco at Lara.
Credit: @marcoalcaraz Instagram
Sa isang hiwalay na post, isang matamis na mensahe ang ipinahayag ni Marco para sa kanyang napakagandang asawa.
Aniya, “Bago matapos ang araw na ito I wanna greet my gorgeous wife happy anniversary. Maraming salamat for loving us unconditionally ❤️ You are the perfect wife and mother.. im not perfect but Iahat ng sweldo ko sayo 💯 Mahal na mahal kita. Submit yourself to your wives and you will have a happy marriage.”
Credit: @marcoalcaraz Instagram
Sa ngayon, may tatlong anak na sina Marco at Lara na sina Noah, Tobias, at Moses na kanilang winelcome noong 2020.