Marian Rivera, hinangaan sa pagiging isang hands-on na mommy!

Marian Rivera, hinangaan sa pagiging isang hands-on na mommy!

Hindi lamang pisikal na trabaho ang isa sa mga pinaka-exhausting na gawain dahil kadalasan nating nakakalimutan na hindi rin biro ang pagiging isang ina lalo na’t kinakailangan ng muli’t muling kalinga ang mga chikiting. Simula nang pinasok ni Marian Rivera ang mundo ng showbiz, talagang natunghayan natin ang kanyang growth at ang pag-usbong ng kanyang career bilang isang aktres.

Credit: @marianrivera Instagram

Kahit anong roles man ang ibigay sa kanya, talagang kering-keri niya na gampanan ito dahilan kung bakit malapit siya sa puso ng karamihan. Of course, sa tuwing naririnig ang pangalan ni Marian Rivera, talagang ang pinakauna na sumasagi sa isipan ng karamihan ang kanyang walang kakupas-kupas na beauty.

Kahit na’y ilang taon naman ang lumipas at kahit na’y isa nang Momshie ngayon, wala pa ring kahit anong bakas ng pagtanda sa kanyang mukha dahilan kung bakit marami ang umiidolo sa kanya. Mula sa pagiging isang aktres na kaliwa’t kanan ang projects, nasaksihan din natin si Marian nang naging isang ganap na ina sa dalawang anak nila ni Dingdong Dantes na sina Maria Letizia at Jose Sixto.

Bagama’t dahan-dahan man na nahahasa ni Marian ang kanyang talento sa pag-arte, tila’y natural naman para sa kanya ang pagiging isang Momshie dahil talagang hands-on siya sa pag-aalaga sa kanyang mga anak na muling nasaksihan ng netizens nang namataang nagsho-shopping sa isang mall si Marian at Dingdong kasama ang kanilang anak na si Jose Sixto o kung tawagin nila bilang si baby Ziggy.

Credit: Maria Letizia Dantes Facebook

Sa video na ibinahagi ng isang fan, mapapanood ang couple na normal at malayang namamasyal at nagsho-shop sa mall. Matutunghayan na abala si Dingdong sa isang tawag at bitbit nito ang paperbags habang magkahawak-kamay naman si Marian at baby Ziggy. Marahil ay tinatamad na sa paglalakad, walang kahirap-hirap at karekla-reklamo ang aktres na binuhat ang anak. Dahil sa Momshie moment na ito ni Marian, hindi napigilan ng netizens na humanga sa pagiging hands-on niya pagdating sa kanyang mga anak. Iilan lamang sa mga komento nila ay:

“Very natural. A loving caring mom that she is. Sending love”

Credit: Maria Letizia Dantes Facebook

“This is what I love most about her, being a very hands on mom..”

“What a loving and caring mom…”

“Priority niya tlga family niya, she loves her kids that much”

“Love this Marian loving, caring Mom”

Credit: Maria Letizia Dantes Facebook

“Hands on Mom..”

“What a great mom”

Una man nating nakilala bilang isang mahusay na aktres, kinabiliban naman siya ng karamihan dahil sa pagiging responsible at caring na Momshie.

Ysha Red

error: Content is protected !!