Marian Rivera, mas nakilala ng buong mundo sa kanyang angking ganda nang maging judge sa Miss Universe!

Marian Rivera, mas nakilala ng buong mundo sa kanyang angking ganda nang maging judge sa Miss Universe!

Muli na namang natunghayan ng buong mundo ang kagandahan ng isang Pinay sa pagtapak ni Marian Rivera sa stage kung saan ginanap ang Miss Universe 2021!

Credit: @marianrivera Instagram

Hindi kumikilala ng panahon o oras ang kagandahang taglay ng nag-iisang Marian Rivera dahil nananatili pa rin ang kanyang beauty noong siya’y dalaga pa lamang hanggang ngayon na isa ng Mommy sa dalawang anak nila ng asawang si Dingdong Dantes.

Kilala bilang isa sa mga magaganda at mahuhusay na aktres, hindi kailanman binigo ni Marian ang kanyang fans sa larangan ng pag-arte kaya naman palaging patok sa publiko ang lahat ng pinagbidahan niyang teleserye at pelikula at nito lamang nang muli na naman tayong ginulat ni Marian sa rebelasyong nakatanggap umano siya ng isang pambihirang offer na hindi niya kailanman inakalang matatanggap niya.

Credit: @marianrivera Instagram

Biyernes, December 3 nang unang inanunsyo ng aktres sa publiko na isa siya sa mga judge sa Miss Universe 2021 kaya naman nang nagkaroon ng interview sa “Unang Hirit,” hindi napigilan ng hosts na makuryoso kung ano nga ba ang hinahanap ni Marian sa isang beauty queen.

“Hindi lang ‘yung kagandahan kundi ‘yung tapang din nila na maibalik ang humanity sa ating mundo sa kabila ng radikal na pagbabago na nangyari sa atin dahil sa p@ndemic,” sabi ng aktres.

Credit: @marianrivera Instagram

Nito lamang Martes nang nakarating si Marian kasama si Dingdong sa Israel kung saan gaganapin ang ika-70 na Miss Universe.

“I have arrived,” ayon sa aktres kalakip ng ibinahagi niyang selfie photo sa kanyang Instagram story.

Sa ginanap na Preliminaries, pinalaglag ni Marian ang panga ng karamihan nang itinutok sa kanya ang kamera at ipinakilala siya bilang isa sa mga judge. Dahil sa kanyang maamong mukha at nakakahalinang ngiti, kaagad na nabihag ng aktres ang puso ng mga manonood.

Credit: @marianrivera Instagram

Suot ang isang black na gown at naka-ponytail ang buhok, mas lalo lamang na napansin ng kapwa judges at mga manonood ang angking kagandahan ni Marian na sumasalamin din sa kabuuang kagandahan ng mga Pinay.

“Girl power 💕 Preliminary night with an all female panel for Miss Universe ☺️ Had a great time with these wonderful and kind ladies!” sulat ni Marian sa kanyang caption kalakip ng mga larawang kuha sa ginawang Preliminaries ng pageant.

Credit: @marianrivera Instagram

Of course, kilala bilang isang friendly na tao, hindi naging mahirap para kay Marian ang makahanap ng bagong kaibigan at ito ay ang kanyang “seatmate” na si Urvashi Rautela.

Hindi lamang kagandahan ang ipinangalandakan ni Marian sa Miss Universe dahil baon din niya ang kahusayan ng isang Filipino na siyang patunay kung bakit deserve na deserve niya ang pagiging judge sa importanteng event na siyang sentro ngayon ng atensyon.

Ysha Red

error: Content is protected !!