Marian Rivera, nakatanggap ng mga nakakatuwa at sweet na birthday greetings galing sa kapwa celebrities

Marian Rivera, nakatanggap ng mga nakakatuwa at sweet na birthday greetings galing sa kapwa celebrities

Kilala si Marian Rivera bilang isang sikat na aktres sa industriya ng showbiz. Bukod sa kanyang angking kagandahan ay mahusay din siya pagdating sa pag-arte kung kaya ay ganoon na lamang karami ang taong umiidolo sa kanya. Nang ipinagdiwang ni Marian ang kanyang 37th na kaarawan nitong Agosto 12 ay maraming nagpaabot ng mga pagbati para sa aktres.

Credit: @marianrivera Instagram

Bilang pagdiriwang ni Marian sa kanyang 37th na kaarawan ay nagkaroon sila ng intimate family dinner ngunit mas ginawa itong espesyal ng kanyang kapwa celebrities nang nagpaabot ang mga ito ng kani-kanilang birthday greetings.

Labis na naging espesyal ang araw ni Marian nang bumati ang mga kasamahan niya sa trabaho at iilang malapit na kaibigan sa showbiz.

Credit: @marianrivera Instagram

“CHAAAARLIE! HAPPY BIRTHDAY! WISH KO FOR YOU? MORE BABIES FOR YOU AND DONG!🥳 MISS LAUGHING. MISS CRYING, AND CHIKAHAN TOGETHER. BUT MOST OF ALL, I MISS YOU. 🥰@MARIANRIVERA OH AND PLAYING WITH MY GODDAUGHTER ZIA (unicorn emoji),” pagbati ni Roxanne Barcelo.

Credit: @marianrivera Instagram

Nag-post naman ng “heartfelt” na larawan ang youngstar na si Kyline Alcantara kung saan ay makikitang mahigpit silang magkayakap ni Marian.

“Maligayang kaarawan ate @marianrivera ❤️ Salamat sa lahat payo mo saakin. Mahal kita! 🥰”

Samantala, nag-post naman ng throwback na mga larawan si Jennylyn Mercado bilang pagbati kay Marian sa kaarawan nito.

Credit: @marianrivera Instagram

Nagbahagi rin ng maikling video si Aiai Delas Alas sa kanyang Instagram account bilang pagbati sa kaarawan ni Marian. Maaalalang magkasama sina Aiai at Marian sa pelikulang “Kung Fu Divas” na ipinalabas noong taong 2013.

Bumati rin sina Angel Locsin, Norman “Boobay” Balbuena, Luis Alandy, Jillian Ward, Ryzza Mae Dizon, at marami pang iba.

Of course, hindi rin nagpahuli ang asawa ni Marian na si Dingdong Dantes dahil nagbahagi rin ito ng “heartwarming” na tula sa Instagram kalakip ng larawan ni Marian na kuha sa naganap na dinner ng kanilang pamilya.

Credit: @marianrivera Instagram

“Marimar ang programa kung saan una ko siyang nakilala at ang tawag ko noon sa kaniya’y Suplada
pero ngayon, katorseng taon na ang nakalipas, Mahal na ang tawag ko sa kaniya.
Maligayang kaarawan sa Mestizang Caviteña
salamat sa kanya at may isang Marian Rivera… oops, Misis Dantes na pala.😘”

Credit: @marianrivera Instagram

Kahit na tumungtong na sa edad na 37 ngayon si Marian ay hindi pa rin maipagkakaila na nananatiling “younger-looking” at “fresh” si Marian Rivera.

Ysha Red

error: Content is protected !!