Maricar Reyes, ibinahagi kung paano niya nalampasan ang isyu na kinasangkutan niya noon

Tunay nga na walang tuwid na daan ang buhay dahil bawat isa sa atin ay naliligaw o ‘di kaya’y nawawalan ng landas dahil sa tindi ng mga pagsubok na dumadating sa ating buhay pero imbes na magpakalugmok sa ating mga problema, maging matatag sana ang ating mga loob upang lagpasan ang lahat.
Credit: @maricarreyespoon Instagram
Nagsimula bilang isang model sa commercial si Maricar Reyes bago pinasok ang pag-aartista at simula nang nakilala siya bilang aktres ay talagang marami ang humanga sa kanyang talento sa pag-arte kaya naman, kaagad siyang nakabuo ng pangalan sa industriya ng showbiz.
Sa kasagsagan ng prime sa kanyang career, bigla na lamang pumutok ang balita tungkol sa kumakalat na scandal ng aktres na halos sumira sa kanyang reputasyon at buong pagkatao.
Makalipas ang isang dekada matapos kumalat ang controversial na isyu ni Maricar, sa wakas ay buong lakas na niyang ibinahagi ito sa publiko sa kanyang guesting sa “Toni Talks” kumakailan lamang.
Pagkukuwento ni Maricar, nagbago umano ang daloy ng kanyang buhay sa isang iglap dahil ang noo’y masaya at peaceful niyang buhay ay binalot lang naman ng sakit at matinding kahihiyan. Dahil sa kinasangkutang scandal, minsan ng pumasok sa isip ng aktres ang suicid3 pero nang naisip niya ang maaaring mararamdaman ng kanyang pamilya, hindi umano niya ito ipinagpatuloy at inabala na lamang ang sarili sa trabaho lalo na’t ongoing pa ang taping sa pinagbibidahan niyang serye na “Lovers in Paris” noon.
“Work really helps. Having responsibility na alam ko na people on the set will be depending on me to show up,” saad ni Maricar.
Credit: @maricarreyespoon Instagram
Sa kabila ng sakit na pinagdaanan ni Maricar, mas pinili naman niyang huwag magpakalunod sa problema at imbes ay bumangon sa pamamagitan ng kanyang self-advice na “Small, steady sins got me into this mess so small and steady improvements would get me out as well” na sobra namang tumulong sa kanya upang ipagpatuloy ang buhay at mag-move on sa nangyari.
Pahabol pa ni Maricar, hinding-hindi umano niya ipagpapalit sa kahit ano ang mapait na pangyayari sa kanyang buhay dahil sa makabuluhang lessons nito na siyang bumuo sa kanyang buong pagkatao ngayon.
“I’m not thankful for the scandal nor would I want to relive it all over again but I would never trade the lessons I learned. Never,” aniya.
Credit: @maricarreyespoon Instagram
Dahil sa kuwento ni Maricar Reyes, mas lalo lamang siyang hinangaan ng netizens dahil pambihira umano para sa isang babae na dumaan sa parehong isyu ang pagkakaroon ng ganitong klaseng katapangan upang pag-usapan itong muli at buksan ang sugat mula sa nakaraan.