Mariel Padilla, ikinagulat ang school activity ng anak para sa home economics

Mariel Padilla, ikinagulat ang school activity ng anak para sa home economics

Naalala n’yo pa ba ang mga aktibidad na ginawa o itinuro sa inyo noon kapag Home Economics o Techology and Livelihood Education (TLE) subject na?

Credit: @marieltpadilla Instagram

Marahil mga simpleng pagkain lang ang ipinapaluto o ipanapagawa sa inyo noon, gaya na lamang ng polvoron o iba pang madaling gawin na pagkain.

Kaya labis na ikinagulat ng celebrity mom na si Mariel Rodriguez-Padilla ang mga aktibidad ng kanyang panganay na anak na si Isabella sa eskwelahan nito.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Mariel ang isang litrato kung saan makikita ang kanyang anak na abala sa pagbe-bake ng cookies.

Ipinahayag nga ni Mariel ang kanyang pagkamangha dahil gumagawa ng cookies ang kanyang anak. Ikinumpara ni Mariel ang ginagawa nila noon sa Home Economics na simpleng polvoron lang. At ngayon umano kahit batang-bata pa ang kanyang anak ay maaga na itong tinuturuan ng pagbe-bake.

Credit: @marieltpadilla Instagram

“My little baker @mariaisabelladepadilla. Gumawa siya ng sugar cookies. Ang galing ng mga bata ngayon. Nung bata ako sa Home Economic polvoron ang ginawa nila hehe,” sabi pa ni Mariel.

Ipinakita rin ni Mariel ang binake na cookies ng kanyang anak at mapapansing maayos ang pagkakagawa nito.

Nakakabilib nga naman na ang isang batang tulad ni Isabella ay marunong nang mag-bake. Kadalasan kasing itinuturo ang baking sa mga high school student o sa mga matatanda na.

Samantala, ang asignaturang TLE o Home Economics ay maaaring magbigay ng source of income para sa mga estudyante sa hinaharap. Isa nga ang baking o pagluluto sa mga skill na itinuturo sa asignaturang ito. Gaya ni Isabella, kung marunong siya o magaling mag-bake, magagamit niya ito sa pagsisimula ng negosyong panaderya.

Credit: @marieltpadilla Instagram

Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit marunong nang mag-bake si Isabella dahil mukhang nakuha niya ang kanyang interes sa pagluluto sa kanyang Mommy Mariel na magaling ding magluto.

Credit: @marieltpadilla Instagram

Lingid sa kaalaman ng marami, gumagawa si Mariel ng mga food vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Bukod dito, may pagmamay-aring food business din si Mariel na “Cooking Ina”. Madalas namang ibahagi ni Mariel sa kanyang socmed na tumutulong sa kanya ang anak. Marahil malaking bagay para maagang ma-exp0se sa pagluluto si Isabella.

Ysha Red

error: Content is protected !!