Mariel Padilla, ginawan ng kanta na hango sa kanyang viral video na “Nahulog ang Electric Fan”

Mariel Padilla, ginawan ng kanta na hango sa kanyang viral video na “Nahulog ang Electric Fan”

Aktibo ka ba sa Tiktok o hindi umaatras kapag sayawan na ang pinag-uusapan? Well, maghanda ka na ngayon dahil pinag-iisipan na ngayon ni Mariel Rodriguez-Padilla na gawan ng dance moves ang nag-viral na meme song na “Nahulog ang Electric Fan” na gawa ng isang musician.

Credit: @marieltpadilla Instagram

Habang nasa kalagitnaan ng pag-aanunsyo ng winners sa kanyang live kumakailan lamang, muntik na lamang mapatalon sa kinauupuan si Mariel nang biglang nahulog ang isang electric fan. Sa kanyang gulat, napasabi siya ng, “Ay! ‘Yung electric fan! Oh my gosh, nahulog”.

Tunay nga naman kasi na nakakatuwa ang naging ekspresyon at reaksyon ni Mariel kaya marami talaga sa kanyang viewers sa nasabing live at fans ang napahagikhik sa tawa ngunit mas may isasaya pa pala ang linyang ito ng TV host dahil binigyan lang naman ito ng melody ng isang musician at ginawang “meme song”.

Credit: @marieltpadilla Instagram

Ayon kay Sean Al na siyang gumawa sa “meme song” ni Mariel na “Nahulog ang Electric Fan,” na-hook umano siya siya sa linyang ito ng aktres at dahil mahilig siya sa paggawa ng mga kanta mula sa mga nagva-viral na lines ng mga sikat na personalidad sa showbiz kaya hindi niya pinalagpas ang pagkakataon na gawan ng kanta si Mariel.

Matapos ang ilang araw na pagiging abala ni Sean Al sa paggawa sa “meme song” ni Mariel, kaagad niya itong ipinost sa Tiktok at katulad ng kanyang naunang videos, umani ito ng milyon-milyong likes.

Sa isang interview kasama si Ogie Diaz sa Youtube channel na Showbiz Update, ibinahagi ni Mariel kung gaano siya katuwa nang unang napanood at narinig ang kanta.

“When I first saw sa social media na merong gumawa ng kanta ‘nung nahulog ang electric fan, sobra akong na-flatter. I couldn’t believe it. Nakakatuwa,” pahayag ni Mariel.

Credit: @marieltpadilla Instagram

At dahil sobra siyang nagandahan sa ginawang meme song, kinanta ito ni Mariel sa rally ni Aiko Melendez.

“Ang ganda ‘nung song. Sobra akoang natuwa ‘dun sa song kaya naman ‘nung may pa-rally si Councilor Aiko, kinanta ko,” sabi pa niya.

Sa atensyon na nakukuha ng “Nahulog ang Electric Fan,” hindi na kagulat-gulat kung magiging Tiktok fever ito lalo na’t pinag-iisipan ngayon ni Mariel na gawan ito ng malupit na dance moves.

Credit: @marieltpadilla Instagram

“Sobra akong nag-enjoy. Malay niyo, mag-dance moves pa ako. Sobrang nakaka-flatter ‘yung wala lang naman, biglang naging kanta,” aniya.

At dahil karamihan sa atin ay hindi talaga umaatras sa kahit anong sayaw challenge, marami ngayon ang nag-aabang sa binabalak na paggawa ni Mariel Padilla ng choreography.

Dahil sa nag-trending niya ngayong “meme song,” sign na ba ito para gumawa si Mariel ng album?

Ysha Red

error: Content is protected !!