Mariel Padilla, inaming nahirapan siya nang iwanan sila ng kanilang mga yaya sa bahay

Hindi naman maikakaila na talagang mahirap maging isang mom lalo na at isa kang celebrity at hindi gaanong sanay sa pag-aalaga sa mga anak ng mag-isa. Karamihan sa mga celebrity moms ay may mga yaya upang may katulong sila sa pag-aalaga sa mga anak ngunit paano na lamang kung dumating ang isang araw na lumiban lahat ang mga yaya?
Ito ang naging sitwasyon ni Mariel Padilla, isang kilalang aktres at dating host sa sikat na noontime show na It’s Showtime.
Credit: Mariel Padilla YouTube
Ikinasal si Mariel sa action star na si Robin Padilla at ngayon ay mayroon ng dalawang anak. Sa ibinahaging vlog ni Mariel sa kanyang YouTube channel ay naranasan ni Mariel ang “YAYA-less” day. Ayon kay Mariel ay umalis ang lahat ng kanilang kasambahay at lumiban upang magpabakuna dahilan para siya lamang ang naiwan sa bahay kasama ang dalawang anak na babae.
Credit: Mariel Padilla YouTube
Madaling araw nang nagsimula si Mariel sa kanyang vlog at makikitang mahimbing pa na natutulog ang mga anak. Habang natutulog pa ang dalawa ay may order na kailangang i-dispatch si Mariel para sa kanyang negosyo kaya pansamantala niya muna itong iniwan.
Credit: Mariel Padilla YouTube
Ayon kay Mariel ay ang kanyang asawa na si Robin ay kasalukuyang naka-qu@rantine sa isang bahagi ng kanilang bahay matapos ang pag-alis nito para sa ginawang “docu-series” kaya siya lamang talaga ang magbabantay sa dalawa nilang anak.
Credit: Mariel Padilla YouTube
Nang magising ang mga anak ay kaagad naman silang pinakain ni Mommy Mariel. Makikita rin sa vlog ni Mariel ang pagliligpit niya ng mga maduduming diapers at pag-aayos ng mga kalat sa bahay katulad na lamang ng mga laruang ginamit ng mga anak at mga damit na pinagbihisan nila.
Credit: Mariel Padilla YouTube
Talaga namang makikita sa ekspresyon ni Mariel na sobra siyang nahirapan sa ginawang pagliligpit at pag-aalaga sa dalawang anak.
Bukod sa pagbabantay sa mga anak ay abala rin sa negosyo si Mariel dahil may mga order na kailang i-dispatch kaya kinakailangan niyang iwan ang dalawang anak pero kaagad naman itong bumabalik.
Credit: Mariel Padilla YouTube
Nang dumating na ang kanyang mga kasambahay matapos magpabakuna ay hindi naman maitago ni Mariel ang naramdamang tuwa at sa wakas ay makakapagpahinga na umano siya.
“Magpapahinga na si Mommy Mariel!!”
Credit: Mariel Padilla YouTube
Sa kabila ng pagod sa pag-aalaga sa dalawang anak ng mag-isa ay labis pa rin ang kagalakan ni Mariel dahil nagsilbi raw umano itong bonding kasama ang kanyang girls.
Proud rin si Mariel sa naging desisyon ng kanyang mga kasambahay na mga ‘angels’ niya raw kung maituturing na magpabakuna. Nanghikayat din si Mariel sa kanyang mga manonood na magpabakuna na ang mga hindi pa nababakunahan dahil para naman ito sa kaligtasan ng lahat.
“I encourage everyone to register. This is really the time for all of us to do our part. Di’ba? Let’s end this together!”