Mariel Rodriguez, proud sa natamong achievement ng asawang si Robin Padilla

Hindi pa man official ang resulta ng Halalan 2022, sigurado na talagang pasok sa “Magic 12” sa Senatorial race si Robin Padilla kaya naman ang mga taong nasa likod ng kanyang tagumpay ay nagbubunyi na ngayon at isa na nga sa mga ito ay ang kanyang asawa na si Mariel Rodriguez-Padilla.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Simula nang inanunsyo ng aksyon star na si Robin Padilla ang desisyon niyang pagtakbo bilang Senador sa Halalan 2022, nakaantabay at nakasuporta na ang kanyang asawa na si Mariel Padilla. Sa bawat campaign ni Robin, talagang hindi kailanman nabigo ang TV Host at aktres sa pagpapakita ng kanyang support. Mula sa pag-eendorse sa asawa, pagpapahayag ng kabutihan nito at paglalatag sa mga plano at platform nito kapag papalarin man na makapasok si Robin sa Senado, talagang all out ang suporta ni Mariel.
Hindi lamang doon natatapos ang support ng isang Mariel Rodriguez-Padilla dahil wala rin itong pag-aalinlangan na sumabak sa pagla-live selling ng mamahalin niyang mga gamit upang masuportahan lamang ang asawa sa campaigns nito.
Sa isang live ni Mariel, nag-iwan ng komento si Robin na “Hindi mo na Kailangan magbenta. Ok na tayo makasurvive na tayo sa campaign” ngunit hindi talaga nagpapigil ang aktres at determinado talaga siyang makatulong sa asawa.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Matapos ang ilang buwan na pangangampanya, sa wakas ay nagbunga ang lahat ng efforts ni Mariel at Robin nang nalaman nilang kasalukuyan ngayong nangunguna ang aktor sa Senatorial Race.
Isa sa mga taong todo ang support na ibinigay kay Robin, talagang labis ang pagpapasalamat ni Mariel sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang larawan nila ng asawa sa Instagram.
Credit: @marieltpadilla Instagram
Sa caption ng TV host, proud niyang ipinahayag na numero unong Senador sa kanyang puso at sa partial na resulta ng Halalan 2022 si Robin Padilla.
Ayon kay Mariel, “My Senator 💚 is #1 😭😭😭 we are beyond grateful!!! Pilipinas, maraming maraming salamat.”
Credit: @marieltpadilla Instagram
At dahil natunghayan ni Mariel ang mabuting pagkatao ni Robin, nararapat lamang na ibahagi niya ang katotohanang ito sa publiko kaya naman, talagang nabihag ng aktor ang puso at boto ng sambayanang Pilipino.