Marjorie Barretto, binuksan na sa publiko ang kanyang River Garden Resthouse sa Bulacan!

Sa wakas, binigyan na rin ni Marjorie Barretto ng pagkakataon ang publiko na masilip ang rest house ng kanilang pamilya na pinangalanan nilang River Garden!
Credit: @rivergardenresthouse Instagram
Matapos ang ilang taong pagbabahagi ng mga larawan bilang teaser sa kanilang property, tinupad na rin ni Marjorie ang matagal nang hiling ng kanyang fans at kumakailan lamang nang ipinasilip niya sa publiko ang River Garden Rest House sa Calumpit, Bulacan.
Ayon sa dating aktres, napagdesisyunan umano niyang magkaroon ng tour sa kanilang rest house dahil nais niyang ibahagi ng unti-unti ang kanyang pribadong buhay.
Marami naman sa kanyang fans ang nagpahayag ng kanilang paghanga para kay Marjorie dahil napakahands-on talaga niya simula nang ipinapatayo pa lamang ito.
“It’s really a small property. Please don’t be fooled. It’s a very simple property. I just really made the most out of it. Sa hilig ko po sa bahay… dahil mahilig po akong mag-interior, mag-ayos-ayos, little by little, napuno naman namin ‘to with all of my old stuff,” aniya.
Credit: @rivergardenresthouse Instagram
Mula sa pavillion, gazebo, kusina hanggang rooms na pinangalanan nila kasunod sa mga bulaklak ay masasabi talagang “old soul” si Marjorie dahil sa kanyang hilig sa vintage na mga bagay at furniture. Ayon pa sa kanya, “high-maintenance” umano ang River Garden dahil halos lahat ay gawa sa bamboo.
Ibinahagi rin ni Marjorie na ang perang napanalunan niya sa “Pera o Bayong” ang dahilan kung bakit nakapagawa siya ng pool.
“‘Dun sa pera na ‘yun na napanalunan ko sa Pera o Bayong, nag-downpayment ako para gumawa ng pool. If I’m not mistaken, parang 50, 000 iyong payment,” sabi ni Marjorie.
Kahit na’y napakaganda na ng River Garden, plano pa rin ni Marjorie na i-improve ang iilang spaces nito. Malapit sa kitchen kung saan ay may mga lamesang nakalagay, gusto ng dating aktres na pangalanan itong “Marjorie’s Secret Garden” kung saan ay lalagyan niya umano ng mga halaman at view deck sa gitna.
Credit: @rivergardenresthouse Instagram
Ang mas nakakahanga pa nito ay siya pa mismo ang nanguna sa lahat. Mula sa pagpapatayo at pagpapagawa ng rooms, pagde-design, at siya pa ang personal na namili ang mga dekorasyon.
Kung noo’y exclusive lamang ang River Garden para sa kanilang pamilya at iilang kamag-anak, masayang ibinalita ni Marjorie na tumatanggap na sila ngayon ng guests, pamilya man o malaking grupo ng magkakaibigan.
Hindi naman naiwasan ng netizens na mapansin ang pagkakaroon ng kahulugan sa bawat lugar ng River Garden. Bilang isang tao na punong-puno ng kwento, talagang may storya rin kabuuan ng rest house.