Marjorie Barretto, proud sa anak dahil sa pagiging first honor nito sa Ateneo at pag-release ng kanyang bagong music single

Marjorie Barretto, proud sa anak dahil sa pagiging first honor nito sa Ateneo at pag-release ng kanyang bagong music single

Gumagawa ngayon ng kanyang sariling pangalan sa music industry ang isa sa mga naggagandahang anak ni Marjorie Barretto na si Claudia.

Credit: @marjbarretto Instagram

Nito lamang June 18 ay matagumpay na ni-release ni Claudia ang kanyang single sa ilalim ng kanyang bagong record label na Viva Records. Ang bagong single ni Claudia na “Nothing To Do” ay ang collaboration music nila ng sikat din ngayong singer na si Mito Fabie o mas kilala bilang Curtis Smith.

Matatandaang noong Enero ay tuluyan nang iniwan ni Claudia ang kanyang dating agency na Star Magic pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency kung saan ay talent naman ang kanyang kapatid na si Julia Barretto.

Credit: @marjbarretto Instagram

Sa unti-unting pagsikat ni Claudia bilang isang pop at R&B singer ay malaki ang suporta sa kanya ng kanyang pamilya lalo na ang inang si Marjorie.

Wala namang pagsidlan ang kasiyahan ni Marjorie sa tagumpay na natatamo ng anak sa karerang tinahak nito sa showbiz. Hindi mapigilan ni Marjorie na ipagmalaki ang anak dahil sa mga natatamo nitong tagumpay sa kanyang buhay.

Credit: @claudia Instagram

Kamakailan lamang ay isang nakakaantig na post ang ibinahagi ni Marjorie sa kanyang Instagram na dini-dedicate niya para kay Claudia.

Ayon kay Marjorie, “My beautiful Claudia… so much good things happening in her life now, her new song NOTHING TO DO is out now on Spotify and her music video is out on YouTube too.”

Ibinunyag din ni Marjorie sa kanyang post ang isa pang malaking achievement ni Claudia at ito ay ang pagiging first honor nito sa kanilang klase.

Credit: @claudia Instagram

Pinatunayan nga ni Claudia sa marami na hindi lamang sa pagkanta siya nag-eexcel kundi ay sa pag-aaral din matapos siyang manguna sa kanilang kurso sa Ateneo de Manila University.

Sa kabila ng pagiging abala sa paggawa ng kanta ay hindi tumigil sa pag-aaral si Claudia at ngayon nga ay nasa huling taon na siya sa kolehiyo.

Credit: @claudia Instagram

Para naman kay Marjorie, bonus na maituturing ang pangunguna ni Claudia sa kanilang paaralan. Bilang isang magulang, excited naman si Marjorie sa tila ay napaka-promising na future ng anak.

Aniya, “And the bonus… she tells me the other day that she’s FIRST HONOR in school! What a blessing she has been❤️ She is now a Senior in College at the Ateneo. Im so excited for your future, Claudia. I love you so much❤️ God is awesome!”

Credit: @claudia Instagram

Si Claudia ay isa sa tatlong anak ni Marjorie sa kanyang dating asawa na si Dennis Padilla.

Ysha Red

error: Content is protected !!