Mark Herras at Nicole Donesa, ipinapatayo na ang kanilang bahay na tinawag na Casa Corky

Matapos ang ilang buwan na preparation, nagpapatayo na ngayon ang mag-asawang si Mark Herras at Nicole Donesa ng bahay na matagal na umano nilang pinapangarap.
Credit: @nicole_donesa Instagram
Simula nang nagbunga ang pagmamahalan ng mag-asawang si Mark at Nicole na kung tawagin nila sa palayaw nitong si baby Corky, talagang priority nila ang kalagayan at kasiyahan ng kanilang anak. Bagama’t labis man ang pagmamahal at pag-aalaga na ibinibigay ng couple kay baby Corky, nais ng couple na mabigyan ng magandang tahanan ang anak kaya naman isa sa kanilang pangarap ay ang makapagtayo ng sariling bahay at kumakailan lamang nang ibinahagi ni Nicole sa publiko ang baon nilang magandang balita ng asawa at ito ay ang pagiging abala nila ngayon sa pagpapatayo ng Casa Corky.
“Hard Work & Dedication. Officially the start of #CasaCorky🏠 We have a long journey up ahead, but at least we are finally one step closer to our dream ✨,” pahayag ni Nicole sa kanyang caption kalakip ng maikling video kung saan mapapanood sila ni Mark na gumigiba ng pader.
At dahil sunod-sunod ang natatanggap na blessings ng kanilang munting pamilya, labis ang pagpapasalamat ng aktres sa Panginoon.
“Thank you God, for the guidance and blessings. This is all for our Corkyboy ❤️,” ayon kay Nicole.
Credit: @nicole_donesa Instagram
Sa achievement na ito ni Nicole at Mark bilang mag-asawa, talagang inulan ng pagbati at positibong komento ang mismong post ng aktres galing sa fans at kapwa celebrities na sina Ynna Asistio, Jade Lopez, at Sophie Albert.
Sa isang hiwalay na post, todo naman ang pag-pose ni Nicole kung saan ay makikita siyang nakasuot ng puting hard hat at mahabang martilyo. Featured din sa kanyang mga larawan ang butas sa pader na sinisimulan nilang gibain ni Mark.
Credit: @nicole_donesa Instagram
Sa magandang ngiti na makikita sa mga solo na larawang ibinahagi ni Nicole sa Instagram, masasabi talaga na ngiti ito ng tagumpay dahil sa wakas, unti-unti na nilang natutupad ni Mark mga pangarap kasama ang kanilang baby boy na si Corky.