“Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level”: Faith da Silva, inilarawan ang relasyon nila ni Albert Martinez

“Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level”: Faith da Silva, inilarawan ang relasyon nila ni Albert Martinez

Hindi na bago ang May-December couples sa showbizness o iyong bang mga magkasintahan o mag-asawa na malayo ang agwat ng edad sa isa’t isa.

Credit: @faithdasilva_ Instagram

Sa katunayan, tila nauuso pa ito ngayon sa Philippine showbiz lalo pa’t marami sa mga umaamin ngayong celebrity couple ng kanilang relasyon ay mayroong malaking age gap. Kadalasan din ay mas matanda ang lalaki kaysa sa babae.

Kabilang naman ang magka-loveteam na sina Albert Martinez (60) at Faith da Silva (20) sa mga inili-link ngayon sa isa’t isa.

Binas@g na nga ng Kapuso young actress ang kanyang katahimikan ukol sa ‘di umano’y may espesyal na namamagitan sa kanila ni Albert na katambal niya sa teleseryeng “Las Hermanas.”

Kamakailan lamang, umugong ang balitang may relasyon ang dalawang Kapuso stars sa kabila ng dalawang dekadang agwat ng kanilang edad.

Credit: @faithdasilva_ Instagram

Sa kanyang panayam kasama ang mga komedyanteng sina Boobay at Tekla sa variety show ng mga ito, inamin ni Faith na nagulat siya sa balitang may relasyon sila ng beteranong aktor. Gayunpaman, ini-expect na umano niya ito dahil nga magkatambal sila ng aktor on-screen.

Ibinahagi naman ni Faith na komportable sila ni Albert sa isa’t isa. Isa umano ito sa mga sumuporta at gumabay sa kanya habang nasa lock-in taping sila ng Las Hermanas.

Ayon pa kay Faith, masaya siya dahil nakilala niya si Albert “in a deeper level.”

“Iba yung relationship namin together. Komportable kami sa isa’t isa. Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level. He was really there to support me and guide me,” bahagi ni Faith.

Credit: @faithdasilva_ Instagram

“Maalaga kasi talaga siya and very grateful ako na yung side na yun of him, e, nakita ko dahil hindi ko ine-expect na isang beteranong aktor, e, ganoon makitungo sa akin,” dagdag pa niya.

Ikwenento rin ni Faith na napag-usapan na nila ni Albert ang tungkol sa pagkakaugnay nila sa isa’t isa ngunit biru-biruan lamang umano at hindi seryosohan. Talagang ‘professional’ lamang ang namamagitan sa kanila ng aktor. Masaya naman daw siya lalo pa’t nakikita ng tao ang chemistry sa pagitan nila ni Albert.

Saad niya, “Para sa aming dalawa kasi, professional lamang lahat. Walang ilangan. The fact na nakikita ng mga tao na okay ang chemistry namin together, I think yun ang mas importante sa amin.”

Credit: @faithdasilva_ Instagram

Samantala, nang tanungin kung may posibilidad ba na mahulog siya sa isang mas matandang lalaki, sinabi ni Faith na para sa kanya, “walang pinipiling edad ang pagmamahal.”

Lingid sa kaalaman ng karamihan, si Faith ay anak ng dating aktor na si Dennis da Silva. Nakilala siya ng marami matapos siyang sumali sa reality show na ‘StarStruck’ noong 2015. Sa parehong taon din, matatandaang naging biyudo si Albert pagkatapos m@m@tay ang kanyang asawang si Liezl.

Ysha Red

error: Content is protected !!