Masayang kulitan ng mag-amang Jhong Hilario at Baby Sarina, kinagiliwan ng mga netizen!

Ngayong taon lamang, ang aktor na si Jhong Hilario ay naging ganap na ama nang ipanganak ng kanyang kasintahan na si Maia Azores ang kanilang anak na si Sarina.
Credit: @jhonghilario Instagram
At parang kamakailan lang nang masayang ibinahagi nina Jhong at Maia na sa wakas ay magiging magulang na sila pagkatapos ng 7 taon nilang pagsasama.
Credit: @jhonghilario Instagram
Isang munting anghel nga ang ipinagkaloob sa kanila noong Marso sa katauhan ng kanilang baby na si Sarina.
Tulad ng ibang mga celebrity parent, tila naging sentro ng buhay nina Jhong at Maia si Baby Sarina.
Sa kabila naman ng pagiging abala ni Jhong sa kanyang trabaho bilang isang aktor at politiko, hindi siya nawawalan ng panahon para maka-bonding si Baby Sarina.
Credit: @jhonghilario Instagram
Batid ng maraming netizens ang closeness nina Jhong at Baby Sarina lalo na dahil sa kanilang mga sweet at cute picture na makikita sa Instagram account ni Jhong. Ngayon nga na 5 buwang gulang na si Baby Sarina ay nakikipagkulitan na ito sa kanyang Daddy Jhong.
Noong August 31 lamang ay ibinahagi ni Jhong ang larawan nila ni Baby Sarina habang nagkukulitan. Kasama rin nilang mag-ama si Maia.
Sa mga larawan, kitang-kita ang kasiyahan ni Jhong habang nilalambing siya ng kanyang prinsesa. All-smiles pa rin si Jhong sa mga larawan kahit pa tila sinasabun0tan na siya ni Baby Sarina.
Credit: @jhonghilario Instagram
Nakakataba nga naman ng pusong pagmasdan ang mga ngiti ni Baby Sarina habang enjoy na enjoy siya kasama ang kanyang Mommy Maia at Daddy Jhong.
Credit: @jhonghilario Instagram
Ngunit talagang normal na tagpo na sa pagitan nina Jhong, Maia at Baby Sarina ang makikita sa mga larawan kung saan ay todo ang kanilang pagkukulitan.
Credit: @jhonghilario Instagram
Magmula kasi ng isilang si Baby Sarina, madalas nang magbahagi si Jhong ng masayang kulitan nilang magpamilya.
Kaya naman saksi ang ilang netizens kung gaano ka-sweet at kalapit si Jhong sa kanyang “Sample Princess”.
Tuwang-tuwa nga ang ilang netizens sa kulitan nina Jhong at Baby Sarina. Narito ang ilang komento ng netizens:
Credit: @jhonghilario Instagram
“wow ang nays ng mag-ama”
“Ang cute hahaha. Yung damit talaga nagdala”
“Wow nakikipagkulitan na si Jhong jr”
Credit: @jhonghilario Instagram
“Hala sarina sobra gigil mo ahh Pero cute mo pa din”