Matteo Guidicelli, ibinahagi ang excitement para sa kanilang proyekto na G Studios!

Matteo Guidicelli, ibinahagi ang excitement para sa kanilang proyekto na  G Studios!

Hindi lamang pagmamahal ang nabubuo at napapatatag ng isang mag-asawa dahil importante rin na nakapagbibigay din sila ng inspirasyon sa isa’t-isa upang mag-grow katulad na lamang ng couple na si Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na patuloy ngayon sa kanilang pagve-venture ng iba’t-ibang hobby, projects, at business.

Credit: @matteog Instagram

Simula nang ikinasal noong 2020, makikitaan talaga ng improvements si Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Kung noon ay sobrang focus ng “Popstar Royalty” sa kanyang career habang abala naman si Matteo sa kanyang profession, ngayon ay magkasama nang ginagawa ng dalawa ang lahat ng mga bagay na matagal na nilang gustong gawin at dahan-dahang isinasakatuparan ang kanilang mga pangarap.

Hunyo 15 nang doble ang naging celebration ng couple dahil birthday ng Mommy ni Matteo at groundbreaking ceremony naman ng kanilang proyekto na G Studios na inaasahang itatayo sa Alabang, Mandaluyong City.

“June 15, 2022 – our mamas birthday @glfguidicelli and the ground breaking of our new project, G STUDIOS!” pahayag ng aktor kalakip ng mga larawang ibinahagi niya sa Instagram kung saan ay mapapanood ang video ng kabuuang ceremony.

Sa video, makikitang present sa ceremony ang Mommy at nakababatang kapatid ni Matteo na si Paolo Guidicelli na pareho-parehong nakasuot ng hard hats at nakahawak ng shovel.

Credit: @matteog Instagram

Noon pa man at base sa updates ni Matteo katulad na lamang kapag nagkakaroon sila ng bonding moments ni Sarah kasama ang pamilyang Guidicelli, talagang masasabi na supportive sila sa bawat project ng couple at hindi kailanman naging absent sa celebration ng dalawa katulad na lamang noong grumadweyt ang Popstar Royalty sa Henny Sison Culinary School.

Ayon sa aktor, pinag-isipan talaga nila ni Sarah ng mabuti ang project na ito at ngayon na itatayo na ang G Studios, hindi niya maitago ang nararamdamang excitement. Ibinahagi rin ni Matteo na welcome ang lahat ng celebrities, vloggers, advertisers, at iba pa upang gamitin ang space.

“The building will rise soon and will welcome all content creators, advertisers, celebrities and just anyone and everyone who wants to use the space ! See you at G studios located in Landers Alabang! 💯🇵🇭🍾,” saad ni Matteo.

Matagal-tagal naman simula nang huling nag-perform si Sarah sa stage at nagpamalas ng matinding performance, sinisiguro naman niya na updated pa rin ang kanyang fans sa buhay niya ngayon sa piling ng kanyang asawa na si Matteo na hindi lamang nakakapagbigay ng purong kasiyahan kung hindi ay nag-iinspire rin sa kanya na mag-explore pa ng ibang bagay.

Ysha Red

error: Content is protected !!