Matteo Guidicelli, ibinida ang achievement ng asawang si Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli, ibinida ang achievement ng asawang si Sarah Geronimo

Proud asawa? Check!

Credit: @matteog Instagram

Maliban sa kilig na hatid ng couple na si Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, hinahangaan din ng karamihan ang pagiging vocal at pagiging proud ng aktor tungkol sa kanyang pagmamahal at support para sa asawa. Talagang tunay nga na sa bawat kabiguan at tagumpay sa buhay ay magkasama ang dalawa sa bawat pagkakataon.

Taong 2020 nang ikinasal si Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Dahil sa p@ndemya, mas minabuti ng dalawa na manatili na lamang sa bahay kung saan ay nadiskubre ng “Popstar Royalty” ang kanyang pagkahilig sa baking.

Sa bago at in-eenjoy na gawain ngayon ni Sarah, todo at buo naman ang suportang ibinibigay ni Matteo. Sa katunayan, siya ang unang tumitikim sa bawat pastry at cake na bine-bake ng asawa.

Dahil sa determinasyong ipinapakita at relentless na pagpa-practice ni Sarah, proud na ibinahagi ng kanyang mister ang lahat ng pastries na bine-bake niya.

Credit: @matteog Instagram

“My wife’s Lemon Blueberry Buttermilk cake will blow your mind,” sulat ni Matteo sa kanyang caption kalakip ng larawang kuha niya sa cake na ginawa ni Sarah. Sa isa namang hiwalay na post, ibinahagi ni Matteo ang video kung saan ay mapapanood ang paghiwa niya sa strawberry shortcake na ginawa ng asawa. Kaagad naman na natuwa ang fans ni Sarah sa bago nitong hobby at nagpahayag ng mga positibo at magagandang komento ang fans ng couple sa mismong comment section ng post.

“Kakatakam! 🤤🤤🤤”

“Wow yummy and my eyes are drooling. Hope we can try justsarahgph strawberry cupcake and japanese souffle cheesecake!”

“So sweet and yummy ❤️❤️”

Credit: @matteog Instagram

“Looks super yummy❤️”

Hindi lamang dito natatapos ang baking sesh ni Sarah G. dahil ibinida rin ni Matteo ang kanyang Japanese soufflé cheesecake.

“Japanese Soufflé Cheesecake by Sarah Guidicelli. ❤️ #proudhusband 💯,” pahayag ni Matteo sa kanyang caption.

Dahil sa pagkahilig ni Sarah sa pagbe-bake, nag-aral siya sa Henny Sison Culinary School sa layuning mas iimprove pa ang kanyang skills at nito lamang, graduate na siya sa kursong Baking and Pastry.

Credit: @matteog Instagram

Sa achievement na ito ng asawa, muli na namang siyang na-flex ni Matteo sa Instagram kung saan ay ibinahagi niya ang magandang balita kalakip ng mga larawan nila ni Sarah kasama ng nababatang kapatid ng aktor na si Paolo Guidicelli.

Ayon kay Matteo, “Super proud of you my love!! Officially graduated from baking school!! CONGRATULATIONS! Yesssss “chef sarah” it is!!”

Dagdag pa niya, “We are super proud of you! Your achievements are limitless because you always strive for excellence! I love you! #proudhusband 💯😘”

Hindi na lamang tanging “Popstar Royalty” ang titulong pinanghahawakan ni Sarah G. dahil isa na rin siyang ganap na chef!

Ysha Red

error: Content is protected !!