Maymay Entrata at Canadian boyfriend nito, kinakiligan sa kanilang trivia challenge sa Tiktok

May mga couple talaga na sobrang laki ng epekto sa iba dahil sa intensity ng kilig na naibibigay nila katulad na lamang ni Maymay Entrata at ng kanyang Canadian beau na si Aaron Haskell dahil sa kanilang malakas na chemistry na talaga namang kinakiligan ng karamihan.
Credit: @maymayentrata Tiktok
Kung noon ay minsan lamang nagbabahagi ng update tungkol sa kanilang relationship si Maymay, mukhang napagdesisyunan na ng couple na maging Tiktok official na rin dahil kumakailan lamang, sumabak sila sa isang challenge para sa mga couple kung saan ay sumagot sila ng 14 na tanong sa pamamagitan ng pagtuturo sa isa’t-isa.
@maymayentrataButi napilit ko pa syang mag tiktok 😝 Misss you Mahal 🥹
Sa pinakaunang question, ibinunyag ni Maymay na ang kanyang Canadian boyfriend umano ang unang humihingi ng paumanhin kapag mayroong mga pagkakataon na hindi sila nagkakaintindihan. Bukod dito, mas patient din si Aaron at mas masarap magluto dahilan kung bakit inilarawan siya ng netizens na “perfect boyfriend”.
Kabilang din sa mga question ay kung sino sa kanilang dalawa ang unang nagsabi ng “I love you” kung saan ay nakangiti at ilang ulit na itinuro ni Maymay si Aaron.
Sa kalagitnaan ng pagsasagot sa bawat tanong, hindi na napigilan ni Aaron Haskell na panoorin ang nakakaaliw na reaksyon ni Maymay na talagang nakapikit at sobrang seryoso sa pagsasagot hanggang natapos ang video.
Hindi naman nakalagpas sa atensyon ng netizens ang nakakatunaw at nakakakilig na pagtingin ni Aaron sa girlfriend.
Credit: @maymayentrata Tiktok
“the way he just stared at you throughout the rest of the vid”
“The way he just looked at maymay on the screen is 🦋🦋🦋”
“sanaol HAHHAHAHAA”
“the way he just admire/look at you”
Credit: @maymayentrata Tiktok
“hes so inlove w her”
“the way he just stops, and looks at you through the screen”
Kahit na’y kalahati sa kabuuang video ay si Maymay na lamang ang naiwang mag-isa sa pagsagot ng bawat tanong, justified pa rin ang simpleng panonood ng kanyang Canadian beau sa kanya dahil sa nakakakilig na tension sa kanilang pagitan.
Ngayon na sumabak na sa Tiktok, inaasahan ng karamihan na mas magiging madalas ang pagbibigay ni Maymay ng update lalo na’t marami pa rin sa kanila ang hindi maka-get over sa chemistry ng couple.