Maymay Entrata, diretsahang sinagot ang espekulasyon tungkol tunay na estado ng relasyon nila ni Donny Pangilinan

Talaga namang sinusubaybayan at maiging tinututukan ng publiko ang mundo ng showbiz. Mula sa mga hobbies at kaganapan ng celebrities hanggang sa kanilang personal na buhay. Natural lang naman para sa mga netizen, lalo na ng mga fans ang nais na makaalam sa aktibidad ng kanilang iniidolo on and off cam. Isa sa mga topic na gustong gusto ng publiko na malaman ay ang love life ng kanilang celebrity idol.
Credit: @maymay Instagram
Kilala si Maymay Entrata bilang Miss Wacky-Go-Lucky sa kanyang lugar sa Cagayan De Oro dahil sa kanyang masiyahin at buhay na buhay na personalidad. Mas nakilala siya sa buong Pilipinas nang sumali siya sa Pinoy Big Brother kung saan ay siya ang nagwagi at nakamit ang title na “Big Winner.”
Mula pa man noon ay mabuti at mapagkumbaba na talaga si Maymay. Kahit na’y sumikat at nakamit na ang tagumpay na dating pinapangarap ay hindi pa rin niya kinakalimutang tumulong at lumingon sa pinanggalingan.
Credit: @maymay Instagram
Magmula ng nanalo sa Pinoy Big Brother ay pumasok siya sa mundo ng showbiz kung saan na-discover ang kanyang galing sa pag-arte. Naging bahagi rin siya ng malalaking proyekto kasama ang kilalang celebrities sa showbiz katulad na lamang nila Kathryn Bernardo, Vice Ganda, Alden Richards, at iba pa sa pelikulang Fantastica at Hello, Love, Goodbye. Bukod doon ay naging main lead rin siya sa Loving In Tandem kung saan ay kasama niya ang Pinoy Big Brother housemate na si Edward Barber.
Credit: @maymay Instagram
Dahilan sa kumpirmasyon ng aktres na hindi sila mag-on ng ka-loveteam na si Edward ay maraming spekulasyon ang kumalat sa social media patungkol sa kung sino ang boyfriend ni Maymay. Kumakailan lamang ay umusbong ang balitang ang anak ni aktres na si Maricel Laxa at Anthony Pangilinan na si Donny Pangilinan umano ang kanyang ‘mysterious boyfriend’ at hindi pa nila inaamin ay dahil may ibang ka-loveteam si Donny sa iWant series na He’s Into Her na si Belle Mariano.
Nang naging guest sa isang online show na “Hotspot” si Maymay ay nilinaw niya ang isyu patungkol sa relasyon nila ng binatang aktor na si Donny. Ipinagdiinan ni Maymay na walang namamagitan sa kanila ng aktor at talagang naging close lamang sila dahil sa pagsasama nila sa iWant ASAP bilang mga host.
Credit: @donny Instagram
“Siguro nagsimula iyon kay Donny dahil kasama ko siya lagi sa IWant ASAP at doon yata may mga clip na parang nami-misunderstood nila iyong mga galawan namin, iyong smile namin na akala nila nagtitinginan,” saad ni Maymay.
“Hindi ko alam talaga. Jusko, day! Pero hindi po kami ni Donny. Wala po kahit sino sa showbiz. Wala,” paglilinaw ng aktres sa kumakalat na spekulasyon.
Credit: @donny Instagram
Dagdag pa ni Maymay na wala sa showbiz ang taong nagpapasaya sa kanya ngayon dahilan para humupa ang kumakalat na rumor tungkol sa kanyang love life.
Hindi rin nakalimutan ni Maymay na maghatid ng mensahe at magpasalamat sa kanyang mga fans na taos-pusong sumusuporta sa kanya mula noon at hanggang ngayon kahit na anuman ang nangyari.
Credit: @donny Instagram
“Nagpapasalamat din ako sa lahat talaga ng mga fans na kumabaga kahit ‘di ako nage-effortna pasayahin kayo, pinapasaya niyo ang sarili niyo. Joke, sorry!”