Maymay Entrata, nagkaroon ng jowa reveal ngayong Valentine’s Day!

Araw ng mga puso ang February 14 kaya napagdesisyunan ni Maymay Entrata na maging extra at nagkaroon ng jowa reveal sa Instagram!
Credit: @maymay Instagram
‘Sana all may ka-date’ no more para sa aktres dahil ibinida lang naman niya ang kanyang boyfriend na isang gwapong foreigner sa mismong araw ng Valentine’s Day.
Buwan ng Mayo noong taong 2021 nang ibinahagi ni Maymay sa isang interview na may taong nagpapasaya sa kanyang puso at nilinaw na hindi ang dating ka-loveteam na si Edward Barber o ang kaibigan na si Donny Pangilinan ito.
“Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man… Wala po kahit sino sa showbiz, wala,” paglilinaw niya.
Sa isang interview naman na ginanap noong July, may pareho ring kuwento si Maymay tungkol sa taong nasa likod ng kasiyahan niya.
Credit: @maymay Instagram
Dagdag pa niya, “Sa totoo lang po may nagpapasaya na po sa aking puso at nawa’y kahit anong maging desisyon namin ay respetuhin po yun ng aking mga taga-suporta.”
Simula ‘nun, patuloy na ang aktres sa pagbibigay ng clues sa social media pero sa loob ng ilang buwan ay mas pinili ni Maymay na panatilihing sikreto ang identity at mukha ng kanyang boyfriend katulad na lamang nang nakatanggap siya ng isang bouquet na kinuhanan niya ng larawan at ibinahagi sa kanyang IG Story.
“Thank you love 🥺❤,” mababasa sa larawan.
Dahil dito, mas nabuhay pa ang curiosity ng kanyang fans pero talagang determinado si Maymay na itago muna ang pagkakakilanlan ng kanyang boyfriend hanggang sumapit nga ang Valentine’s Day at nagkaroon siya ng bonggang jowa reveal sa Instagram!
Credit: @maymay Instagram
“Happy Birthday my Valentino ♡,” aniya sa caption kalakip ng larawang ibinahagi niya kung saan ay makikitang magkayakap sila ng kanyang foreigner na boyfriend.
At mukhang hindi lamang ang kanyang fans ang nakaramdam ng gulat at kasiyahan para sa 24 taong gulang na aktres dahil pati kapwa niya celebrities ay napa-comment rin at nagpahayag ng kanilang kasiyahan para kay Maymay.
“Happy for you, May 😍😍😍,” ayon kay Sue Ramirez.
“DASURVVVV,” komento naman ni Maris Racal.
Credit: @maymay Instagram
“Un na siyaaaa 😍 Happy Valentine’s ninyo indaiiiii,” sabi naman ni Morisette Amon.
“Ganyarn!!!! ❤️❤️❤️ happy valentines ❤️,” saad naman ni Angelica Panganiban.
“MAYMAY I LOVE YOUUUU!! YOU DESERVE TO BE HAPPY. 🥺 SANA OL!!!!!!!!!!” pahayag naman ng sikat na vlogger na si Mimiyuuuh.
Ngayon na ibinunyag na ang face sa likod ng mysterious jowa ni Maymay, mas naging extra at special pa ang kasiyahan ng aktres ngayong Valentine’s Day!